Sobrang inlab talaga… DEREK AT ELLEN, TWINNING PA NG SUOT NA PAJAMA
ni Nitz Miralles - @Bida | March 17, 2021

Gustong malaman ng mga chismosa’t chismoso kung kaninong bedroom o bahay kuha ang latest photo na nasa IG Stories ni Ellen Adarna na naka-pajama si Derek Ramsay. Twinning pa nga sa pajama ang love birds na kinakiligan ng kanilang mga shippers.
Sabagay, hindi na mahalaga kung kaninong kuwarto o bahay natutulog sina Derek at Ellen. Ang importante, masaya sila.
Comments lang ng mga netizens, parang ngayon lang nila nakitang nakasuot ng pajama si Derek dahil nasanay sila na naka-sando at shorts ang aktor.
Payo ng fans nina Derek at Ellen, ‘wag na silang maghihiwalay at patunayan daw ng aktor ang sinabi na nakita na niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Wish din ng mga fans ng couple, sa kasalan mauwi ang relasyon nila.
Obvious na naka-move on na sina Derek at Andrea Torres sa short relationship nila, pero ang kani-kanyang kampo ng fans, tuloy ang bangayan. Ang hilig nga rin nilang pagkumparahin ang ex and current GF ni Derek at pati freckles ni Ellen, nadamay, gayundin, ang pagiging morena ni Andrea ay big issue sa kanila. Hahaha!





Comments