top of page
Search
  • BULGAR

Sobrang inlab, may flying kiss pa… GOV. LUIGI, UMAMING NAGAGAWA LAHAT DAHIL KAY YASSI

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 24, 2024





Tinawag na “love of my life” ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte si Yassi Pressman na ikinakilig naman ng aktres.


Sa kanyang Instagram page ay nagbahagi si Yassi ng video ng part ng speech ng boyfriend sa isang event sa CamSur kung saan ay hayagang idineklara ng gobernador ang pagmamahal sa aktres.


“I truly believe 'pag inspired, lahat possible. Kaya I want to thank the love of my life for supporting this event. Babe, maraming-maraming salamat. Thank you, I love you so much,” pahayag ni Gov. Luigi.


Nagpalakpakan ang mga tao at sumigaw pa ng “Kiss!” which means suportado rin nila ang relasyon ni Yassi at ng kanilang gobernador.


Nag-flying kiss naman si Gov. at aniya, “Mwah! I love you, Babe!”


Caption ni Yassi sa video, “Aysuuuus namaaan, my heart you’re the sweetest @vincenzo.luigi.”


Sagot naman ng pulitiko, “Meant every word Bub.”


Pati ang mga netizens ay kinilig sa ginawa ni Gov. Luigi na ipinagsigawan ang pagmamahal kay Yassi in public.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page