top of page

Sobrang hurt na raw… SANYA, SUKO NA SA BASHING SA PALPAK NA RETOKE NG ILONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 25, 2025



Sanya Lopez - IG

Photo: Sanya Lopez - IG


Nakikiusap si Sanya Lopez sa mga bashers na sana ay tigilan na nila ang pamba-bash sa kanya. Sobra na siyang nasasaktan sa mga panlalait na kanyang natatanggap dahil lang sa hitsura ng kanyang ilong.


Marami ang nagsasabing hindi bagay at palpak ang pagkakagawa ng bagong ilong ng aktres. Para raw siyang si Pinocchio. Hindi raw ito nakatulong upang lalo siyang gumanda, mas okey na raw ang dati niyang hitsura.


Well, sino naman kaya ang nag-advise kay Sanya Lopez na ipagawa ang kanyang ilong? Nagdurusa tuloy siya ngayon sa masasakit na panlalait ng mga bashers. Mabuti nga siguro na ibalik na lang sa dati ang kanyang ilong.



IS co-host ang ipinalit kay Barbie…

JAK AT JACKIE, PAREHONG MAHILIG MAG-BAR KAY SWAK



PAGKATAPOS ng pitong buwan nilang paghihiwalay ni Barbie Forteza, naka-move on na raw ang Kapuso actor na si Jak Roberto. Maugong ang balitang ang dancer-host na si Jackie Gonzaga na mas kilala bilang si “Ate Girl” sa It’s Showtime (IS) ang ipinalit ni Jak kay Barbie.


Madalas daw na nakikitang nagde-date sina Jak at Jackie, laging magkasama sa bar hopping. 


Mukhang swak nga sila sa isa’t isa dahil pareho silang mahilig sa nightlife.

Dati na ring nababalita si Jak na may kasamang chicks kapag nagpupunta sa bar. Ang laging pag-inom at hilig ng aktor sa nightlife ang madalas na pinag-aawayan nila noon ni Barbie Forteza kaya humantong sila sa paghihiwalay. 


Ganunpaman, talagang hindi nga siguro meant to be para sa isa’t isa sina Barbie Forteza at Jak Roberto. May ibang nakatakda para sa kanila.



ALAM kaya ni Kylie Padilla ang kumakalat na balita na dalawa na ang anak ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica sa sexy actress na si AJ Raval?

Ipinagtapat ba ito ni Aljur sa kanya? 


Ayon nga sa tatay ni AJ Raval na si Jeric Raval, dalawa na ang apo niya kay AJ at si Aljur ang ama. Isang lalaki at isang babae ang anak nina Aljur at AJ.


May dalawa ring anak na lalaki si Aljur kay Kylie Padilla at kasal pa sila, hindi pa annulled ang kasal nila kaya hindi niya mapakasalan si AJ Raval kahit dalawa na ang anak nila.


Samantala, open naman si Kylie at umamin na may love life siya ngayon. Co-parenting ang agreement nila sa dalawa nilang anak na sina Alas at Axl. 


Binibigyan din ni Aljur ng panahon na makasama ang mga anak lalo na sa mga special occasions.


Maraming netizens ang nagsasabing the mere fact na may dalawang anak na si Aljur Abrenica kay AJ Raval ay nangangahulugan lamang na wala na siyang balak na bumalik pa kay Kylie Padilla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page