Sobrang excited daw… VILMA, ‘DI NAKATULOG SA FIRST DAY NG PAGBABALIK-GOV.
- BULGAR

- Jul 9
- 4 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 9, 2025
Photo: Vilma Santos-Recto - IG
Siksik, makabuluhan, aksiyon agad at nakakaantig ng puso ang mensaheng hatid ni Star for All Seasons Vilma Santos sa kanyang inaugural speech sa unang araw ng kanyang pagbabalik bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas na ginanap sa Kapitolyo noong Lunes.
Sa kanyang speech, sinabi ni Governor Vi na ipagpapatuloy niya ang kanyang mga adbokasiya para sa mga Batangueños.
Agad ay may isinumite at napirmahan siyang apat na Executive Orders (EO) para sa matatag na Batangas.
Pahayag ni Gov. Vilma sa kanyang speech, “Tulungan ninyo po ako. Magtulungan at magkaisa po tayo sa mga layunin para sa Batangas, sa mga Batangueño, at sa lahat ng naniniwala at nagtitiwala. I cannot do this alone. I need your support, guidance, cooperation, strength, energy, love, respect and faith.”
After her inaugural speech, nagkaroon kami ng pagkakataon na muling makatsikahan si Gov. Vi along with other selected members of the entertainment media sa kanyang Governor's office which they called ‘mansion’.
It’s been a long time since the last time na mainterbyu ulit si Governor Vi sa kanyang ‘mansion’ sa Batangas. Kaya medyo nakaka-senti ang feeling na nandoon ulit kami at iniinterbyu si Gov. Vi.
“So, how was it like to be back as the governor of Batangas giving your speech salubong?” tanong ng entertainment media kay Governor Vi.
“Unang-una, wala pa akong tulog. S’yempre, I was excited. I was thinking of the special day today. So, I wasn’t able to sleep well,” in full smiles na sabi ni Gov. Vi.
Kitang-kita sa mga mata ni Governor Vi ang excitement niya habang kausap namin siya.
“Siguro naman narinig n’yo naman ‘yung inaugural message ko kanina. Heto ang mga priorities na gagawin ko bilang governor. And, governor ulit ako, Ate Aster (Amoyo, veteran entertainment writer),” tila ‘di pa rin makapaniwalang sabi ni Governor Vi.
‘Di pa man siya opisyal na nakaupo as governor ng Batangas ay 4 na agad ang kanyang pinirmahan na EO.
“Oo naman. Apat agad. Considered urgent which means ‘yung executive order ko kanina, naipulong na ‘yun. So, well-prepared ‘yun. So, hindi drawing ‘yun. So, ‘yun ang mga priorities ko,” pagmamalaki niya.
Hanggang sa matanong si Governor Vi sa posibilidad na gumawa siya ng movie during her term.
“Sa tatlong taon na isisilbi ko sa Batangas, definitely I’ll focus my attention to deserving Batangueños. Pero hihiling ako ng isa sa mga Batangueños. Eh, kung minsan sa kanila nanggagaling. In three years baka I can do one movie kahit paano,” pagre-reveal niya.
At this point, nag-follow-up question kami regarding movies. Tinanong namin si Governor Vi kung may gagawin siyang proyekto with Cannes Best Director Brillante Mendoza and Coco Martin.
May naka-post kasi na piktyur nilang tatlo na magkasama sa Facebook (FB) page ni Direk Brillante.
“‘Yung picture na ‘yun was two years ago. Ini-repost lang ni Direk Brillante. Hindi ko nga alam, eh. Parang may so-so filming something (#filmmaking),” paliwanag niya.
Pagpapatuloy pa ni Governor Vi, “But that was two years ago. May in-offer sila sa akin ni Coco na isang indie film.
“Pero, unfortunately, medyo hindi nagkatuluyan. Uh, I don’t know kung, I forgot na kung dahil ba sa schedule?
Dahil ba sa concept? Or kasi, parang pareho rin sa concept ng Batang Quiapo or, to that effect. Kaya hindi natuloy. Pero nag-meeting na kami.”
It’s just a meeting daw na sana makagawa sila ng indie film ni Coco. Pero kung ibahin daw ang concept ng proyekto para sa kanila ni Coco at mag-align ang stars, baka umubra.
Nonetheless, she’s excited daw to do a movie with Coco. But definitely, ‘yung movie na nine-negotiate nila ngayon is not under Direk Brillante’s project.
Naaliw naman kami na for the first time, she publicly announced her age during her inaugural speech. And what’s amazing is 71 na pala si Governor Vi, she’ll turn 72 on November, and yet she still looks very beautiful and fresh.
“‘Yun na nga ang purpose noon, eh. Hahaha! Ang kapal, eh, ‘no? Hahaha!
“You know, kahit ano’ng gagawin natin, lahat tayo tatanda. I mean, whether we like it or not. Imagine this coming November, I’ll be 72, you get me?
“Pero you know, sometimes it depends on your outlook in life. Nasa loob din ‘yan, eh. It will show in your face, in your attitude. Kung papaano mo dalhin ang sarili mo, you know.
“And sa totoo lang, I’m taking care of myself too, you get me. So, ‘yun ‘yun. And since I’m a senior citizen already, siguro puwede ko rin dito kunin while I’ll be needing help and support.
“Kasi the last time, 2007 to 2016? Ilang taon ako noon?
“So, kahit huling isla ng Batangas, nararating ko. Kasi ganoon kaagresibo pa. But whether we like it or not, ‘pag nadadagdagan na ang numero mo, may mga ano na tayo na medyo ano na, may mga limitations na, ‘di ba?
“And for that, I think hindi ko na kakayanin lahat. At least, meron ako’ng isang tao na gagawin kong representative whom I trust,” lahad ni Governor Vi.










Comments