Sobrang durog daw ang puso niya… HEART, UMAMING HATE ANG 2 EX-BF
- BULGAR

- 15 hours ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 29, 2026

Photo: File / IG _iamhearte
Sinetch itey? As in, sino itong tinutukoy ng aktres-model na si Heart Evangelista na pinaka-hate niyang ex-dyowa?
Sa programang Heart World (HW) ng GMA Network ay ibinahagi ni Heart sa pamamagitan ng blind item ang kanyang pinaka-hate na ex-BF.
Sey ni Heart, “Ako, ‘yung pinaka-hate ko na dyowa ko, dalawa.”
Tipong nagtaka ang guest ni Heart na si Angelica Panganiban sa sinabi ng aktres dahil noong mga oras na iyon ay ang topic nila ay tungkol sa like.
Tanong ni Angelica kay Heart habang nakangiti, “Bakit ka nasa hate? Ako, sa like ako nagpunta.”
Sey ni Heart, “‘Di kasi, sasabihin ko ‘yung pinakagusto ko, of course ‘yung napangasawa ko (Chiz Escudero).”
Saad naman ni Angelica, “O sige, du’n ka na sa hate. Wala namang ila-like sa nagiging dyowa.”
Sey ni Heart kay Angelica, “Kaya nga, that’s why. Una (na hate ex), si... Hate ko s’ya dahil itina-try talaga kitang balikan. Tapos, nu’ng in-invite mo ako sa bahay mo, sinabi n’ya, ‘Bakit mo in-invite?’ I don’t remember. ‘Yun, so parang, ‘yun, heartbroken ako nu’n.
“First kong hate, s’yempre si ano, ‘yun. Oh, my God, hate ko talaga ‘yun kasi ‘yun talaga, from a distance, naging kaibigan ko ‘yung someone, tapos kaibigan kita, tapos pa-rekindle tayo, tapos pagpasok ko ru’n, itinu-tour mo pa ako, ipinakita mo ‘yung mga painting, artworks. Eh, s’yempre, alam ko kung sino’ng gumawa. So, ‘di ko ma-break it to you gently kasi ‘di puwedeng mawala ang friendship.
“Pero ang ending, that was the last time I saw Angelica. Naramdaman na ng isa na magsasalita ‘to. Oo. Eh, s’yempre, kitang-kita ko. Eh, nu’ng time na ‘yun, single pa ako. So, gumigimik ako. Nakikita ko ‘yung mundo sa labas. Eh, ‘to (Angelica), ‘di gumigimik. So hate na hate ko s’ya kasi ‘yun talaga, cold turkey. Nawala na lang ako bigla. Wala. Tsaka, ayaw n’ya talaga.”
Well, pakihulaan na nga lang, Madam Damin, kung sino itong hate ni Heart Evangelista na nagparamdam sa kanya ng bonggang heartbroken na tipong hanggang ngayon ay sariwa pa ang kanyang nararamdaman na poot. (Naku, eh, sa gulo ng kuwento n'ya, wala akong naintindihan, ‘no? Hahaha! - JDN)
MASAYANG kuwentuhan ang naging ganap sa YouTube (YT) channel ng mahusay na broadcast journalist na si Karen Davila nang mag-guest ang komedyanteng si Ethel Booba at ang partner nitong si Chef Jessie Salazar.
Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa malaking pagbabago ni Ethel nang magkaanak ito kay Chef Jessie.
Saad ni Ethel, “Dati, party at alak, ngayon, s’yempre ay iba na.”
Tanong ni Karen, “What was the wildest thing you did in Boracay before?”
Saad ni Ethel, “‘Yung mga ledge, naka-bra lang ako, naka-tie back, ganyan. Nagsasayaw ako nang ganu’n.”
Dagdag na tanong ni Karen, “Pero ngayon, bago na ang buhay ninyo?”
Saad ni Ethel, “Oo, bagong buhay.”
Sey naman ni Chef Jessie, “Still have pero minimal na lang.”
Hirit na tanong ni Karen, “Pag-inom, ano na limit?”
Sey ni Chef Jessie, “‘Di na s’ya nagha-hard kasi usually hard, eh.”
Samantala, nagbahagi rin si Ethel ng seryoso pero nakakatawang paraan kung ano ang gagawin niya kung sakaling mahuli niya ang dyowa na nambababae.
Sey ni Chef Jessie, “Once a week lang akong nagra-rides.”
Ani Karen, “Ang mahalaga, faithful s’ya.”
Sey naman ni Ethel, “Naku, ‘yan nga! May nag-chika sa akin. ‘Yung mga nagmo-motor, meron pa raw isang buong sasakyan, nandu’n nakasakay ‘yung mga babae nila. May ganu’n daw ‘yan.”
Sey ni Chef Jessie, “Wala, walang backride ‘yung sa akin.”
Dagdag na tanong ni Karen, “‘Pag nahuli mo?”
Saad ni Ethel, “Katapusan na n’ya talaga.”
Sey naman ni Chef Jessie, “Hindi, ‘di ko naman gagawin ‘yun. Alam naman ng mga friends ko.”
Saad ni Ethel kay Jessie, “Uy, matanda na tayo.”
Sey ni Chef Jessie, “Kaya nga, ‘di kita bibigyan ng sama ng loob kasi isipin mo naman ang tanda na natin.”
Birong sabi pa ni Chef Jessie, “Pang-11 na utos lang ‘yan. ‘Wag kang aamin. Joke lang!”
In fairness kay Chef Jessie Salazar, tipong love na love niya ang kanyang partner na si Ethel Booba.
MAPUPUNO ng kasiyahan at inspirasyon ang ASAP ngayong Linggo, March 29 sa hatid nitong bonggang performances sa pangunguna ng mga bida ng Blood vs. Duty (BVD).
Hindi dapat palampasin ng mga fans ang pinakahihintay na performance ng mga bida ng BVD na sina Richard Gutierrez, Gerald Anderson, Bela Padilla, Barbie Imperial, Baron Geisler, at Ejay Falcon kasama si Marko Rudio.
Magbibigay-pag-asa ang bonggang opening number nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Belle Mariano, Darren, Maymay Entrata, Alexa Ilacad, Elha Nympha, Carmelle Collado, Kai Montinola, Esang De Torres, JM Yosures, Marko, Jason Dy, Jarlo Base, Jane De Leon, AC Bonifacio, Gela Atayde, Klarisse De Guzman, Khimo Gumatay, Jeremy Glinoga, Jarren Garcia, at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2.0) Kapamilya Big Winner Lella Ford kasama ang MNVRS Ignite at G-Force.
‘Yun lang, and I thank you.




Comments