top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sobrang daming pasyente… Gawin munang ospital ang mga hotel

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 8, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | April 08, 2021



Lubos nating sinusuportahan ang rekomendasyon ng Philippine College of Physicians na pansamantalang gawing ospital ang ilang mga hotel na tutugon sa mga mild to moderate COVID-positive patients.


Marami na sa mga ospital natin ang full capacity dahil sa surge nitong nakaraang buwan.


Sa katunayan, marami sa atin marahil ang nakaranas na kuwento ng taong dumanas ng nakapanlulumong sitwasyon sa ating healthcare system ang bumungad sa pagbukas natin ng Facebook at iba pang social media.


Pagod na ang mga health frontliners, at hindi makatao na pabayaan natin ang mga nahawaan ng COVID na makipagsapalaran para mabigyan ng karampatang atensiyong medikal.


☻☻☻


Ayon sa projection ng OCTA research group, maaaring umabot na ang bansa sa isang milyon ang COVID cases sa katapusan ng buwan.


Mauuwi lamang sa wala ang ilang linggong enhanced community quarantine kung hindi natin magagawan ng solusyon ang treatment ng mga may sakit.


Mainam sanang solusyon ang hotel conversion, maging ang mga hospital tents, para ma-augment ang healthcare capacity.


Kung matuloy ito, maililipat ang mga mild to moderate cases sa mga hotel upang matutukan ng mga ospital ang mga severe cases.


Maaari na rin itong maging testing ground para matingnan kung kaya na nating idagdag ang medical tourism sa portfolio ng tourism offerings ng bansa.


☻☻☻


Naniniwala tayong handa ang hotel industry na tumulong.


Nakaangkla ang recovery ng bansa sa pagpapababa ng kaso ng impeksiyon, at tiyak na marami sa mga hotel ang kinikilala ang pangangailangan ng short-term sacrifice para sa long-term.


Sa ayaw at sa gusto natin, umabot na tayo sa puntong kinakailangang magsakripisyo at mag-ambag ang lahat.


Now more than ever, kailangan nating makinig sa mga payo ng eksperto at magtulungan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page