Sobrang apektado raw, Sarah… BARBIE, TODO-IYAK ‘PAG TINATAWAG NA KABIT NI RICHARD
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 15, 2026

Photo: IG _richardgutz
Happy sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa suportang natatanggap nila ngayon mula sa kanilang mga fans, unlike before noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon na maraming haters, lalo na nga ang aktres na pinagbibintangang third party sa paghihiwalay ng aktor at ng estranged wife nitong si Sarah Lahbati.
“Nakakatuwa kasi s’yempre, dahil nga nu’ng simula, ‘di ba, parang ang daming haters, pero ngayon, parang natutuwa na ‘yung mga tao, so we’re very thankful sa lahat ng taong sumusuporta at nagmamahal sa amin. Good vibes lang tayo, ‘yun ang importante,” sabi ni Chard nang makatsikahan namin sila ni Barbie sa pocket presscon last Monday.
Aminado ang aktor na talagang noong una ay apektadung-apektado si Barbie ng hindi totoong akusasyon at iniiyakan daw talaga nito ang matitinding pamba-bash na natatanggap niya.
Pero sey ni Barbie, na-realize rin niya na talagang hindi naman nila mapi-please ang lahat ng tao at kahit anumang paliwanag ang gawin niya ay mas paniniwalaan pa rin ng mga ito ang gusto nilang paniwalaan.
Matatandaang nilinaw na noon pa ng aktres na hindi siya third party sa mag-asawang Richard at Sarah at hiwalay na raw ang dalawa nang makilala niya ang aktor.
When it comes to their relationship, so far ay okay na okay ito at happy ang aktres na ang ganda ng pakikitungo sa kanya ng buong pamilya ni Richard, lalo na nga ang mga magulang nitong sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.
“They’re very nice, very accommodating. Si Tita Annabelle din, laging nagpapadala ng pagkain sa condo ko,” tsika ni Barbie.
Samantala, happy din ang dalawa na naging maganda ang pagtanggap ng tao sa serye nilang Blood Vs. Duty (BVD) na matatapos na ngayong Hulyo.
Natapos na nila recently ang taping ng serye kaya naman nakakaramdam na sila ng sepanx (separation anxiety).
“Alam mo, ngayon pa lang nagsi-sink-in na tapos na ‘yung taping kasi s’yempre, when we were doing the finale, hard work, grind talaga sa amin ‘yan, halos walang pahinga,” sey ni Chard.
“So, ngayon pa lang nagsi-sink sa amin na nami-miss na namin ‘yung taping, ‘yung slow mornings. May sepanx s’yempre,” dagdag ng aktor.
Siyempre, kasama rin daw sa mga nami-miss nila ang working with each other.
Timing naman na after ng finale ay magdiriwang ng kaarawan si Barbie sa August 1 kaya may time sila para mag-celebrate.
Sey ni Chard, “We’re excited for her birthday kasi magse-celebrate s’ya in a very soulful way.”
Ibinunyag ni Barbie na sa halip na mag-party sila ay pupunta sila ni Richard sa Bicol na kanyang hometown para tumulong sa kanyang mga kababayan.
“Pupunta kami sa dating school ko, grade school, public school. We’re gonna try to help them. Meron po kaming medical mission. So, parang relax lang kami,” sey ni Barbie.
“We’re giving back to her community,” ani Chard.
Samantala, marami raw dapat abangan sa finale week ng BVD hanggang sa finale episode nito sa July 24.
“Maraming revelations, maraming drama, maraming mabibigat na eksena at lahat ng katanungan ng mga character sa storyline, unti-unting masasagot sa finale namin,” sey ni Chard.

