top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Skywalker at Bravo, wagi sa Rating Based

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2022
1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | December 27, 2022


Kuminang din sina Luke Skywalker at Bravo noong Sabado matapos nilang manalo sa magkahiwalay na PHILRACOM Rating Based Handicapping System races na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Nagpakitang-gilas ang anak nina Dance City at Dajorca na si Luke Skywalker sa pangatlong karera, tinalo nito ang siyam na kabayong katunggali matapos irehistro ang 1:26.4 minuto sa distansiyang 1,400 meter race.


Kinubra ni Luke Skywalker ang P10,000 added prize para sa winning horse owner at karagdagang P100,000 para sa connections ng kabayo.


Ginabayan ni class A jockey John Alvin Guce si Luke Skywalker, pangalawang dumating sa meta si Keynote Speaker, tumersero si Bisyo Mag Serbisyo.


Sa pang-limang karera naman nagpasikat si Bravo na sinakyan ni jockey JD Flores.


Inirehistro ng anak nina Oh Oh Seven at S Class na si Bravo ang 1:11.6 minuto sa 1,200 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Pangalawa si Aliwagwag Falls, pangatlo si Portsalt habang pumang-apat si Lucky Savings.


Ibinulsa ni Bravo ang added prize na P10,000 kaya tiyak na masasaya ang winning connections nito sa pag-celebrate ng Pasko.


Samantala, may siyam na karera ang pinakawalan noong Sabado, naging matagumpay ang pakarera ng Metro Manila Turf Club Inc. (MJCI), umaasa ang pamunuan na mas pagagandahin ang kanilang pakarera sa susunod na taon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page