top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sky Story, nang-ismol sa PHILRACOM Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 25, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 25, 2023


Sinisiw ng Sky Story ang mga nakatunggali matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas noong Linggo ng hapon.


Umarangkada sa largahan ang Sky Story upang hawakan ang unahan pero kinapitan siya ng todo ng Oktubre Katorse. Bakbakan sa unahan, pero hindi naman napahirapan ang Sky Story dahil pagsapit ng far turn ay lumayo na ang winning horse.


Sinakyan ni jockey Conrad Henson, inirehistro ng Sky Story ang tiyempong 1:25.8 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si JO Gianan ang P10,000 added prize. Pumangalawa ang Don Lucas, tersero ang Oktubre Katorse habang pumang-apat ang Port Kennedy.


Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo, lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Sa darating na Linggo tiyak na aabangan ng mga karerista ang lineup ng mga tatakbo kaya naman ngayon pa lang ay nais na nila malaman kung sino ang mga maglalaban-laban.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page