top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sky Story at Joli Bell sa 2-YO Metro Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2022
  • 1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 16, 2022


Sasabak sa pista sina Sky Story at Joli Bell sa 2-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Rerendahan nina star jockey Jeffril Zarate at class A rider Mark Angelo Alvarez sina Sky Story at Joli Bell sa distansyang 1,200 meter race.


Makakatagisan ng bilis nina Sky Story at Joli Bell sina Snow White, A Lop Bam Boom, Earli Boating, Tulak Ng Bibig at Hakeem sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Paglalabanan ng mga nabanggit na kabayo ang added prize na P20,000 para sa winning horse owner.


Samantala, maliban sa nasabing karera, puntirya ng mga karerista ang carry over sa winner take all, (WTA).


May carry over na P607, 269.03 kung saan magsisimula ang WTA sa unang karera kaya tiyak na pinag-aaralan ng mga karerista ang mga kabayong kanilang tatayaan.


Inaasahan din na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng walong kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.


Ang mga kasali ay sina Wild Act, Mabalor, Hunyo Disenueva, Solution, Kawawang Cowboy, Luyang Cave, Dimakya Island at The Queen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page