top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sky Shot, nakatatak sa Chairman's Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 22, 2023


Isa sa markado ng mga karerista si Sky Shot sa magaganap na 2023 PHILRACOM "Chairman's Cup II" na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Abril 29, (Sabado).


Seryoso ang paghahanda ng trainer at jockey ni Sky Shot sa nasabing malaking karera na nakalaan ang P750,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line.


Sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez si Sky Shot upang harapin ang limang tigasing kabayong kalahok sa distansiyang 2,000 meter race.


Ang ibang makikipagtagisan ng bilis kay Sky Shot ay sina Moderne Cong, Blackburn, Fortissimo, Gusto Mucho at Magtotobetsky sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ayon sa mga komento ng mga karerista sa social media, posibleng magbigay ng magandang laban sa Sky Shot ay ang Moderne Cong at Magtotobetsky.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P450,000, mapupunta ang P168,750 sa second placer habang tig-P93,750 at P37,500 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Kukubrahin naman ng breeder ng winning horse ang P37,500 habang tig-P22,500 at P15,000 ang second at third.


Samantala, may siyam na races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. kahapon ng Biyernes kaya kuntento ang mga karerista sa naramdaman nilang kasiyahan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page