top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Siya, oks lang na 'he' o 'she'… VICE: MGA BADING AT TIBO, TANUNGIN MUNA KUNG PAANO TATAWAGIN

BULGAR
Jun 2, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 2, 2022



Kung ang ibang miyembro ng LGBTQ community ay partikular sa kung paano sila ia-address ng mga tao — kung “he” ba or “she” — ayon kay Vice Ganda, sa kanya ay walang problema kahit ano ang itawag sa kanya.


Napag-usapan ito sa segment na Showtime Sex Babe ng It’s Showtime last Tuesday nang magkuwento ang isang contestant na hindi niya nagustuhan nang minsang tawagin siya ng isang lalaki na “Hi, Miss” sa kalye dahil may pagka-bastos ang tono nito.


Nagbiro si Vice Ganda na siya raw ay nao-offend kapag tinatawag siyang “Hi, Sir” or 'di kaya ay “Tito Vice.”


But seriously speaking, ani Vice ay hindi talaga siya nao-offend kahit ano ang itawag sa kanya.


“Ako, hindi ako nao-offend sa ganyan. Actually, marami nga, laging nagtatalo kung paano nila ako ia-address, kung ‘sir’ or ‘ma’am,’ kung ‘he’ or ‘she.’ Ako kasi, deds (dedma) ako, hindi ako naaano… pero ‘yung iba, kailangan mong tanungin,” sey ni Vice.


Mas maganda raw kung tanungin muna ang isang tao kung paano nito gustong i-address — kung “sir” or “ma’am” dahil nga mahirap ding magbase sa hitsura lang.


“May mga pronouns na ‘yung iba, dini-demand talaga na, ‘Ibigay mo sa amin ang pronoun na ‘yun,’ ‘yung ganu’n. 'Yung ‘she,’ ‘her,’ ‘he,’ ‘his,’ ‘yung ganu’n,” ani Vice.


Nabanggit na rin ni Vice last year sa It’s Showtime rin na itinuturing niya ang sarili na isang “non-binary,” na ang ibig sabihin, “his gender does not fall into the traditional categories of man or woman” according to the US National Center for Transgender Equality.


“Kahit sa mga articles, kapag ini-interview ako, ‘Ano pong pronoun ang gusto n'yong gamitin sa inyo — she po ba or he?’ ako, personally, sasabihin ko, I don’t really mind. Kung ano pong gusto n'yo. Hindi ako mao-offend kung gamitan n'yo ako ng ‘he’ or ‘she.’


“Pero, ako iyon. May mga tao na definite sila kung ano’ng pronoun ang gustong gamitin sa kanila. Kaya it’s better that you ask, kasi not everyone is identifying themselves as part of the binary gender,” paliwanag ni Vice.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page