top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Siya na raw ang forever ng BF… CRISTINE, THANK YOU LANG ANG SAGOT KAY MARCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 22, 2023



'Katuwa, kung sa Maid in Malacañang at sa Martyr or Murderer movie ay mag-ama ang role nina Cesar Montano at Cristine Reyes bilang sina the late Pres. Ferdinand Marcos at Imee Marcos, sa bagong hapon-serye nila sa TV5 titled Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, lovers sila with kissing scenes, ha?!


At ang mas nakakaloka pa, mas malakas ang chemistry nina Cesar at Cristine kesa sa aktres at sa real-life boyfriend niyang si Marco Gumabao na leading man din sa serye.



Tinanong nga namin ang reaksiyon ni Marco dahil mas kinikilig ang mga nakapanood sa special screening kahapon ng Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan sa Cinema 1 ng Gateway Mall sa mga eksena nina Cristine at Cesar kesa sa mga sweet moments nila ng GF, to think na may bed scene pa sila.


Pero imbes ma-insecure o mapikon, aminado si Marco na maging siya ay kinikilig habang pinapanood sina Cesar at Cristine at ibig sabihin lang daw nu'n ay magagaling na aktor ang dalawa kaya nadadala ang mga viewers.


In fairness to Marco, pinuri rin naman siya ni Cesar na magaling ding aktor dahil kung hindi raw sila magaling ni Cristine, hindi rin lalabas ang galing ng veteran star nang si Buboy (palayaw ni Cesar).


Samantala, isa sa mga linya sa MPNHAN na tumatak sa amin ay 'yung pangako ng mga karakter nina Cristine (as Helen) at Marco (as Rod) sa isa't isa na sila hanggang dulo, pero sa misteryosong dahilan ay bigla na lang nagbago ang lalaki kaya nagkahiwalay sila.


Kaya naman tinanong din namin sina Marco at Cristine kung in real life ba bilang magdyowa ay nakikita na rin nila ang isa't isa na makakasama nila hanggang dulo... or let's say forever, ganern!



Si Marco ang unang sumagot, "Oo naman, of course. Hindi naman ako magsasayang ng oras kung 'di ko nakikita 'yung isang tao na for the endgame.


"Laging itinatanong sa akin ng mga press kung bakit ilang taon na akong single, ayoko pang mag-girlfriend, kasi hinihintay ko 'yung the right one talaga," pag-amin ni Marco na ikinayuko na lang ni Cristine pero napapangiti at obyus na kilig much.


Biglang naging speechless ang magaling na aktres at ang sagot lang sa mga sinabi ni Marco, "Thank you."


Paglilinaw naman ni Marco, kahit sure na siyang si Cristine na ang 'endgame' niya, wala pang proposal na nagaganap tulad ng nangyari sa kanila sa MPNHAN.


Pero nagprisinta na si Cesar Montano na puwede siyang maging best man ng dalawa sakaling magpakasal.


Humirit si Marco na mas oks na ninong si Cesar para may regalo, pero mas gusto ng feeling young at the age of 60 na si Buboy na best man lang siya.


Abangan natin!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page