Sitwasyon ng COVID-19 sa bansa, gumagrabe pa
ni Ka Ambo - @Bistado | September 04, 2021
Gumagrabe na sitwasyon sa COVID.
Nasa kani-kanyang bahay na lang ang mga may COVID sa mga lalawigan.
Hindi ito naire-report nang maaayos sa mga awtoridad!
◘◘◘
BAKIT daw may mga vaccinated na ng anti-COVID pero nagkakasakit pa rin at namamatay?
Mayroon nang vaccination card pero bakit natitigok pa rin!
◘◘◘
ITO ang paliwanag natin.
Ang vaccination card ay hindi amulet o agimat tulad ng hawak ni Nardong Putik na kapag suot ay hindi tatablan ng bala o virus at hindi na mamamatay!
◘◘◘
MISTULANG bertud o agimat ang turing ng ilang tao sa kanilang vaccination card na naka-laminate at ginagawang medalyang nakakuwintas sa kanilang leeg.
Dahil mayroon silang bertud o vaccination card, inakala nilang malaya na silang umikot at lantarang makipag-usap kahit kanino dahil hindi na sila tatablan ng mapanganib na virus
Malaking mali!
◘◘◘
ANG pagturing sa vaccination card bilang bertud ang sanhi ng paglabag sa protokol at pagkalat ng virus sa mga lalawigan.
Hindi na sinusunod ang protokol sa mga lalawigan!
◘◘◘
SA totoo lang, ang alamat ng agimat at bulong o orasyong ay sinaunang praktis ng matatanda laban sa peste at kulam.
Ibig sabihin, nagsalin-saling lahi o henerasyon ang “agimat” at nagkaroon ng lihis na kahulugan dahil sa libu-libong taon na nagdaan!
◘◘◘
PAULIT -ULIT nang nalilipol ang mga naunang henerasyon ng tao sanhi ng virus tulad ng COVID-19.
Walang gamot sa alinmang virus.
Ang virus ay hindi living things pero kumakapit ito sa selyula ng living things bago expontially na mag-multiply!
◘◘◘
ANG kamangmangan ng mga experto na unawain ang behavior ng virus at behavior ng tao ang siyang ugat ng pandemya.
Kamangmangan at kahinaan ng kukote ng mga lider ang tunay na sanhi ng pagkalipol ng tao sa mga sinaunang sibilisasyon!
◘◘◘
KAILANGAN natin ay hindi doktor o abogado, ang kailangan natin ay mga psychiatrist, psychologist at sociologist.
Mahalagang unawain at isaayos ang isip, kamalayan at behavior ng mga tao!
◘◘◘
KABILANG sa mga tao na binabanggit natin ay ang mga desisyon.
Maker ng gobyerno, pribadong sektor, at ordinaryong mamamayan.
Bukod sa individual behavior, mahalagang masuri ang kultura, kaugalian o nakasanayang aktibidad sa komunidad!
◘◘◘
DAPAT bigyan ng mahalagang papel ang mga psychologist at sociologist sa COVID-19 crisis pero dindedma ito ng mga mangmang na nagpapakilalang eksperto.
Panic at tuliro ang mga nasa pamahalaan kayat nagiging grabe ang sitwasyon!





Comments