Sitcom nila ni Piolo, kaya raw tinanggihan... ANGELICA, KALAT NANG BUNTIS SA BF
- BULGAR
- Mar 8, 2022
- 1 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 8, 2022

Pinagpipiyestahang buntis si Angelica Panganiban sa kanyang foreigner boyfriend na si Gregg Homan.
May lumabas kasing balita sa isang online page na nagdadalantao ngayon ang aktres at ito raw ang dahilan kung bakit hindi muna ito tumatanggap ng trabaho.
Umpisang naghinala ang mga netizens na medyo tamad-tamaran ang peg ni Angelica nang tanggihan nito ang isang sitcom sa ABS-CBN, ang My Papa Pi kung saan makakapareha sana nito ang Ultimate heartthrob na si Piolo Pascual.
Tuloy, agad silang naghanap ng kapalit at to-the-rescue naman ang Miss U 2015 na si Pia Wurtzbach.
Ayon pa sa source ng naturang balita, "Buntis si Angge (palayaw kay Angelica) kaya tumatanggi siya sa project. Actually, may gagawin sana siya, kaso pass daw muna at need niyang magpahinga. Eh, 'yun pala, dyuntis ang lola mo."
Kung matatandaan, nakipag-reunion pa si Angelica kasama ang mga Kapamilya friends na sina Dimples Romana, Angel Locsin, Bea Alonzo at Anne Curtis kamakailan.
Sa nasabing pagkikita ng lima, wala namang napag-usapan sa diumano'y "buntis reveal" ng aktres.
That time, kasa-kasama ni Angge ang boyfriend na si Greg, subali't ang pagkikita lang ng magkakaibigan ang naging sentro ng usapan.








Comments