Sitcom, aminadong ala-John en Marsha, pero…
- BULGAR
- Jan 23, 2021
- 2 min read
JOHN, AYAW NA MAIKUMPARA SILA NI ELLEN KINA DOLPHY AT NIDA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 23, 2021

Aminado si John Estrada na masasabing modern-day John En Marsha ang bagong sitcom nila ni Ellen Adarna sa TV5 na John en Ellen, pero aniya, walang-wala raw silang ilusyon na mai-compare sa nasabing sikat na sitcom noong '70s to '90s na pinagbidahan nina late Comedy King Dolphy (SLN) and Nida Blanca (SLN).
“Wala po kaming ilusyon ni Ellen na maikumpara man lang kay Tito Dolphy at Tita Nida Blanca. Tito Dolphy was on top of comedy chain when he played John Puruntong (in John en Marsha). Wala po kaming ilusyon talaga. That’s a very big shoe to fill. Tito Dolphy is Tito Dolphy, Tita Nida is Tita Nida,” pahayag ni John sa ginanap na media conference last Thursday.
He added, “Sana po, hindi n’yo maikumpara, pero kung ang John en Marsha noong '80s, eh, napakasarap na adobo, eh, ‘yung John en Ellen po sa 2021, eh, napakasarap na sinigang. Ganu’n na lang po ‘yun.”
Ang John en Ellen ay comeback ni Ellen sa telebisyon matapos siyang mamahinga for almost 3 years. Umalis siya sa showbiz na dalaga at bumalik siya ngayon na isa nang ina ng dalawang taong gulang na si Elias, anak nila ni John Lloyd Cruz.
How does his son feel when he sees her working now?
“When I leave the house, he thinks I’m working pero wala pa siyang idea, like for example, there was one time, I tried to show his dad sa TV, parang hindi pa niya nage-gets,” ani Ellen.
Natanong din kung ready na ba siyang magmahal ulit ngayon at matipid niyang sagot, “I don’t know, I can’t tell, if mangyayari siya, mangyayari siya. If it happens, it happens.”
Mapapanood ang John en Ellen every Sunday simula bukas, Jan. 24, 7 PM sa Kapatid Network. Kasama rin sa cast sina Ronaldo Valdez, Long Mejia, Haiza Madrid, Yogo Singh at ang anak nina Sunshine Cruz and Cesar Montano na si Angelina Cruz.
Comments