'Sister', proud na proud naman… SEN. ROBIN, INIRAMPA SI BB SA MUTYA NG PILIPINAS
- BULGAR
- Dec 12, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 12, 2022

Napanood namin sa Instagram ni BB Gandanghari ang video nila ni Sen. Robin Padilla nang sila’y dumalo sa Mutya ng Pilipinas 2022 Coronation Night. Isinama ni Robin si BB na ang ganda-ganda ng ngiti at ipinakilala siya ni Robin sa mga sumalubong sa kanila.
Ang ganda rin ng caption ni BB sa video na kinowt si Elizabeth Fisher na ang sabi: “A sister is both your mirror- and your opposite.” Saka sinundan ni BB ng “I’ve always been proud of you, carry on Senator @robinhoodpadilla!!” at "#ThisIsUs.”
Maganda rin ang mga comments ng mga netizens gaya ng “It’s nice to see you with Senator Robin,” “Hope you have more bondings with your siblings and their respective families this Christmas season” at “You’re both amazing. So happy to see you together.”
Pinuna rin ang pagiging gentleman daw ni Robin dahil nu'ng naglalakad sila, pinauna nito si BB.
Ang kaseksihan naman ni BB ang pinansin ng mga netizens. Nakakainggit daw ang pagiging slim nito.
May tinanong ang mga netizens kay BB kung "nakita na niya" na parang may tinutukoy na celebrity at dahil nang-iintriga ang comment, hindi na namin isinulat. Ang positive na nga ng post, hahaluan pa ng kanegahan.
May video rin si BB kasama ang mga bata na ayon sa mga netizens, mga pamangkin niya.
Bumabawi si BB sa family bonding dahil seven years nga naman siyang hindi nakauwi ng Pilipinas.





Comments