top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sisihin na lang si Cone 'wag ang buong team

  • BULGAR
  • Oct 2, 2021
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 2, 2021



Magkahiwalay na damdamin at pagtingin ang naging saloobin ng dalawang multi-titled coach sa resulta ng laban sa pagitan ng napatalsik na kampeon na Barangay Ginebra Kings at No.1 rank na TNT Tropang Giga sa PBA Philippine Cup playoffs.


Buong tapang na sinalo ni Gin Kings head coach Tim Cone ang responsibilidad sa maagang pag-uwi ng koponan at kabiguang maidepensa ang korona sa quarterfinal match up sa Tropang Giga na nagtapos sa iskor na 84-71 sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga.


Lubhang hindi kinaya ng pilay na Ginebra ang malampasan ang twice-to-beat advantage na wala ang main starters na sina Japeth Aguilar na may iniindang injury at Scottie Thompson na nasa ilalim ng health and safety protocol ng liga.


I apologize to the Ginebra nation,” pahayag ni Cone sa opisyal na tweeter account. “I can't find words to express our sorrow and embarrassment over our performance in the bubble,” dagdag ng 2-time Grand Slam champion coach noong 1996 sa Alaska Milk at 2014 sa koponan ng San Mig Super Coffee Mixers.


Magkasunod na ginabayan ng 63-anyos na tubong Oregon, USA ang Gin Kings sa 2019 Governors Cup at nag-iisang komperensya na 2020 PBA Bubble. Subalit sa pagpasok ng bagong komperensya at trade na naganap sa pagitan nina Greg Slaughter at Christian Standhardinger mula sa Northport Batang Pier, nagmistulang nangapa ng husto ang koponan higit na ang pagkakaroon ng mga injuries, na kinalauna’y isinisi ng 4-time PBA coach of the year sa kanyang sarili.


We didn't live up to the Ginebra legacy, and that was totally my fault,” saad ng 23-time PBA champion na nangakong babawi sa susunod at umaasang hindi na muling mauulit ang masamang pwesto sa liga. “All I can say is that it won’t happen again as long as I am the coach.”


Matapos na makausad ng Tropang Giga at pabagsakin ang dating kampeon, sunod na malaking problemang kakaharapin ng mga ito ang 5-time Philippine Cup champion na San Miguel Beermen na papasok ng semifinal round matapos walisin ang Northport Batang Pier.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page