top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sisibakin at kakasuhan ang korup na taga-DPWH, lumang tugtugin na ‘yan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 7, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 7, 2020



Ginugulo ang U.S. ng election protest.


Mas buwenas ang ‘Pinas, landslide si P-Digong!


◘◘◘


Mas dumami pa ang nagsasaradong negosyo kaysa nagbubukas.


Masamang pangitain!


◘◘◘


Wala nang cash ang mga Bumbay.


‘Yan ang aktuwal na krisis!


◘◘◘


Binoykot ng mga TV network ang press conference ni U.S. President Donald Trump.


‘Yan ang ibig sabihin ng “lameduck president”!


◘◘◘


Nagsisilantad ang mga biniktima ng CPP-NPA-NDF na sarili nilang recruit.


Nasaan ang human rights group?


◘◘◘


Sino ang nananalo sa propaganda ang AFP o ang mga kadre?


May nagaganaop na propaganda war!


◘◘◘


Walang nagmumungkahi na buwagin ang partylist system.


Bakit?


Ito rin ang behikulo ng mga oligarko!


◘◘◘


May namumuo na namang bagyo.


Ano ba ‘yan walang social distancing!


◘◘◘


Doble ang pasanin ng mga taga-Bicol ngayong Pasko.


COVID-19 at bagyo ang kanilang kalbaryo!


◘◘◘


Tuloy pa rin ang operation tokhang.


Pinatay na, pinapatay pa ulit!


◘◘◘


Mukhang pera raw ang Philippine Red Cross.


Eh, sino ba ang hindi?


◘◘◘


Bukas na raw ang mga resort sa local na turismo.


Eh, sino na ang gustong mahawa at makahawa ng COVID-19?


◘◘◘


Sisibakin at kakasuhan ang mga DPWH executives na sangkot sa korupsiyon.


Huh, luma nang balita ‘yan!


◘◘◘


Bakit hindi iutos ni P-Digong ang massive auditing sa LGUs.


Nariyan ang sangrekwang korupsiyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page