Sipsip pa more ang trapo at pork barrel politicians sa SONA ni P-Digong
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 25, 2021
MAY LOCAL TRANSMISSION NA ANG DELTA VARIANT, IPINAGPABUKAS PA ANG PAG-AKSIYON; MAY MGA NAGKA-DELTA VARIANT NA, INUNA PA ANG PAMUMULITIKA—Nang isapubliko ng DOH (Department of Health) noong July 22, 2021 na may local transmission na sa Pilipinas ang COVID-19 Delta variant, imbes na gumawa agad ng aksiyon ang pamahalaan para mapigilan pananalasa ng mas nakamamatay na virus, eh, ang sabi ni P-Duterte ay kinabukasan na lang siya magpapatawag ng emergency meeting sa IATF (Inter-Agency Task Force).
At noong July 16, nang ianunsiyo ng DOH na may 11 Pinoy ang nagka-COVID-19 Delta variant, parang hindi kinakitaan ng pagkabahala ang pangulo kasi ang inatupag kinabukasan ay dumalo sa asembleya ng PDP-Laban sa pagpapatalsik kay Sen. Manny Pacquiao sa kanilang partido,
Mantakin ninyong buhay na ng mga Pilipino ang nakataya, ang aksiyon ng gobyerno ay ipinagpapabukas na, at mas inuuna pa pamumulitika, buwisit!
◘◘◘
ASAHAN NA PALAKPAKAN NG MGA TRAPO AT PORK BARREL POLITICIANS SA LAST SONA NI P-DUTERTE—Bukas na ang last SONA (State of the Nation Address) ni P-Duterte, at dahil d’yan ay asahan nang makaririnig na naman ang mamamayan ng mga masigabong palakpakan ng mga trapo (traditional politicians) at pork barrel politicians.
Kailangan nilang pumalakpak kasi ‘yung hindi papalakpak, baka malasin na hindi mabigyan ng pang-campaign funds sa eleksiyon at patanggalan pa ng Malacañang ng pork barrel, boom!





Comments