Sinungaling daw siya, rumesbak… IAN KAY LOTLOT: STOP TELLING LIES, ESPECIALLY TO MY DAD
- BULGAR

- 11 hours ago
- 4 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 21, 2026

Photo: FB / Circulated
Sinagot ni Ian de Leon sa kanyang Facebook account na IDL Arts and Paintings ang naging pahayag ng kapatid na si Lotlot de Leon sa storycon ng 40 Days. Mahaba ang sagot ni Ian at sinabi niya ang kanyang panig.
Marami siyang paglilinaw at siguradong sasagutin ito ni Lotlot. Hindi agad matatapos ang isyung ito at may nag-suggest na kailangan nang makialam si Christopher de Leon.
Nabanggit ni Ian ang ama sa kanyang Facebook (FB) stories at sabi, “Enough with the lies? You stop. You stop telling lies, especially to my dad.
“After the state funeral, when 5 of us are talking, I was clear that I told you guys na tulong-tulong tayong lima rito at maging transparent sa isa’t isa and everything will take time and everything will be equally divided pero ang pinalabas is madamot ako. Why?”
Sabi pa ni Ian, “Sino ang may inaagaw? I didn’t say na may inaagaw kayo. Why say that? To put me down?”
Baka magkaisyu na naman ang binanggit ni Ian na ‘my dad’ dahil dapat daw ay ‘our dad’.
Anyway, marami ang pabor na kailangan nang makialam ni Boyet sa conflict ni Ian kina Lotlot at Matet de Leon.
Nakilala dahil kay Kim…
BAGONG BF DAW NI BELA, KILALA SA BUSINESS SECTOR
NAKILALA agad ng mga netizens ang guy na sinasabing rumored boyfriend ni Bela Padilla. Siya ang guy na nakitang kasama niya sa event sa isang mall.
Ilang beses na rin silang naispatan, kaya lalong naniniwala ang marami na siya na nga ang special guy ng aktres.
Ang tinutukoy na rumored BF ng aktres ay si Martin Tan, graduate ng school sa US, may dalawang degrees, involved sa finance, TED speaker, at ‘game changer’. Kilala rin siya sa business sector.
Ang feeling ng mga fans, may kinalaman si Kim Chiu kung bakit nagkakilala si Bela at ang rumored boyfriend niya. Nakita kasi si Martin na kasama si Bela sa house ni Kim noong New Year's Eve.
Kahit hindi pa nila gaanong kilala, pabor ang mga fans ni Bela kay Martin at alam daw nilang nasa good hands ang aktres with him.
Although may mga nag-wish na sana ay magkabalikan pa sila ng ex niyang si Norman Ben Bay, parang malabo na itong mangyari sa ngayon.
Sa past interview ni Bela sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), sabi niya, she’s single at wala siyang boyfriend, pero sinabi rin niyang, “There is somebody making me smile.”
Ilang buwan na rin ang interview na iyon kay Boy at marami na ang nangyari at nabago na siguro ang status ni Bela Padilla.
Sa next interview kaya sa aktres, aaminin na nito na may BF na siya at si Mr. Martin Tan ito?
JUDAY AT MGA ANAK, NAGPA-SELFIE KAY CHRIS HEMSWORTH
PINATAWA ni Ryan Agoncillo ang mga nakabasa at nakakita sa post niya na kasama ang asawang si Judy Ann Santos at mga anak na sina Yohan, Luna at Lucho, kasama ang Hollywood actor na si Chris Hemsworth na nasa bansa.
Nabudol ni Ryan ang mga nakabasa ng caption ng kanyang post, lumabas na siya ang kasama ng asawa at mga anak sa larawan.
Kami nga, ilang beses na tsinek ang photo dahil hindi namin siya makita at ibang tao nga ang nasa larawan.
Sabi kasi ni Ryan, “The love of my wife and children make me feel six foot four and like Odin’s got nothing on me.
“P.S. I’ve only had 3 hours of sleep when these photos were taken.”
Sinakyan ng mga friends at fans ang caption ni Ryan at may nagsabing bagay sa kanya ang red sunglasses na suot ni Chris Hemsworth.
Sa nag-comment naman na mas may appeal at mas guwapo siya kapag puyat, ang sagot ni Ryan, “Naku, salamat. Medyo nagdalawang-isip nga po akong i-post ‘to.”
Sa comment namang mukhang mag-ama sina Luna at ang Hollywood actor, ang sagot ni Ryan, “Can’t argue with genetics.”
Si Angelica Panganiban naman, ang sabi, “Ate, ‘yung ngiti natin, hindi na-control... medyo bumigay,” at sagot ni Judy Ann, “Pigil pa nga ‘yang lagay na ‘yan.”
Pinuna naman ang cute na pagpa-fangirl ni Judy Ann at napansin na si Chris Hemsworth pa ang may hawak ng cellphone na kumuha ng picture nila with Judy Ann and kids.
Kinumpirma ni Bayani…
ELLEN AT JOHN LLOYD, MAGSASAMA NA
SO, balik-telebisyon na si John Lloyd Cruz dahil kinumpirma ni Bayani Agbayani na gagawa muli ng sitcom si JLC at sila ni Ellen Adarna ang magbibida.
Nabanggit din ni Bayani na kasama rin sa sitcom si Rufa Mae Quinto.
Sa GMA-7 ang airing ng sitcom, hindi lang sinabi kung kailan.
Kung naaalala, nagkaroon ng meeting sina JLC at Ellen kay Atty. Annette Gozon-Valdes at ilang executives ng network at doon pa lang, feeling na ng mga fans na project ang pinag-usapan sa nasabing meeting.
Nasa news si JLC ngayon dahil sa post ng GF na si Isabel Santos at umabot pa nga sa pagde-deactivate ni Isabel ng kanyang Instagram (IG) account. Tsinek namin ito kahapon at deactivated pa rin.
Wala pa ring detalye sa sitcom na gagawin nina JLC at Ellen, gaya ng kung co-producer pa rin ba ang aktor. Wala ring balita kung sino ang director at sana ay okay na sina JLC at Director Bobot Mortiz dahil parang nagkaisyu sila the last time they worked together sa sitcom na umere rin sa GMA-7.





Comments