top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sinumbatan pa raw siya… SIGAW NI CRISTY: CONDO NA BIGAY NI WILLIE, WALANG PAPEL!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2023
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 18, 2023




Natatawang ikinuwento ni Nanay Cristy Fermin sa Cristy Ferminute program nila ni Romel Chika na napapakinggan sa Radyo 5 92.3 News FM ang tungkol sa condo unit na ipinagmayabang ni Willie Revillame na ibinigay sa kanya.


Wala naman palang hawak na dokumento o papeles ang CFM host kaya paano niya ibabalik ang nasabing condo unit na matatagpuan sa Wil Tower along Scout Albano, Quezon City malapit sa ABS-CBN?


Ito ang napagtanto ni ‘Nay Cristy nang makausap niya ang admin ng Wil Tower.


Ikokonsulta nila ito sa property manager kung paanong proseso ang gagawin para maibalik ang unit at kailangang magpadala ng e-mail sa developer.


At kapag nai-turn over na ang titulo ng unit sa pangalan ng anak ni ‘Nay Cristy na si Revo ay internal na ang pag-uusap nila ni Willie tungkol sa pagbabalik ng unit.


“Tama rin naman, 'di ba? Heto ang nakakatawa na naging comedy sa amin ‘yang pamilya.


Naisip namin, si Willie, sinumbat-sumbatan ako tungkol sa unit na ‘yun, eh, ni kapiranggot na dokumento pala, eh, wala naman kaming hawak. Mula po noong 2017 hanggang ngayon na nagsasalita ako, wala pong dokumento,” pagdidiin ni ‘Nay Cristy.


Biglang naalala tuloy ni ‘Nay Cristy ang nabasa niyang libro ng paborito niyang bandang The Beatles, na ang mga awitin nilang Let It Be at Hey Jude ay naisulat ni John Lennon habang nasa eroplano sila sa pamamagitan ng palara ng sigarilyo kaya may ebidensiyang matatawag.


“Eh, ito pong sinasabi ni Willie na unit, kahit po sa takip ng Choc Nut, eh, wala naman kaming papel na hawak, walang dokumento. Ano ang ibabalik namin?” nagtatakang sabi ni ‘Nay Cristy.


Dagdag pa nito, “Hala, nagsumbat-sumbat siya, ipinahiya niya kami sa buong bayan, wala naman pala siyang hawak na ebidensiya (na binigyan kami ng unit).”


Pero ang hindi maintindihan nina ‘Nay Cristy ay nagbabayad naman daw sila ng monthly dues since 2017 sa unit na never nitong tinirhan bukod sa wala palang hawak na papeles.


Anyway, bukas ang BULGAR sa panig ni Willie tungkol sa condo unit isyu nila ni Nanay Cristy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page