Search
  • BULGAR

Sinovac vaccine, nasa storage na sa Marikina

ni Lolet Abania | February 28, 2021




Dumating na ang 600,000 COVID-19 vaccine doses ng Sinovac ngayong gabi sa MetroPac Movers Inc. facility sa Barangay Concepcion Uno sa Marikina City, na siyang storage ng mga vaccine bago ito dalhin sa mga ospital bukas.


Umaga pa lamang ngayong Linggo, ininspeksiyon na ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang cold chain facility bago pa dumating ang mga nasabing bakuna.


Ang donasyon ng China na Sinovac COVID-19 vaccine doses ay dumating sa bansa sa Villamor Airbase sakay ng isang Chinese Y-20 Transport aircraft pasado alas-4:00 ng hapon.


Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa pagdating ng mga vaccine ng Sinovac, masisimulan na rin ang nakatakdang inoculation program ng gobyerno.


Gayundin, makakapag-administer na ng unang shots sa maraming COVID-19 referral hospitals sa buong National Capital Region bukas.


Ilang ospital din ang naghahanda na tanggapin ang first batch ng Sinovac COVID-19 vaccines para sa mga prayoridad na sektor sa bansa.


Kabilang sa mga priority groups ang mga frontline health workers, indigent senior citizens, ang mga natitirang indigent population, at uniformed personnel.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.