3 kabataan niratrat ng tauhan... Task Force Disiplina sa QC, binuwag na

by Jeff Tumbado @News | October 14, 2026

Photo: Joy Belmonte - QC Gov / File
Tuluyang binuwag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Task Force Disiplina nitong Martes, Oktubre 13, kasunod ng pamamaril ng isang tauhan nito na ikinasawi ng tatlong binatilyo sa Batasan Hills.
Inatasang bumalik sa Department of Public Order and Safety (DPOS) ang lahat ng miyembro at ipinagbawal na ang kanilang pagpapatrulya sa ilalim ng task force.
Sasailalim din sila sa background check, neuropsychological examination, drug test at pagsusumite ng NBI at PNP clearances.
Nilinaw ng lokal na pamahalaan na walang baril na iniisyu sa task force. Inatasan din ang Quezon City Police District (QCPD) na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na armas.





Comments