top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Balde, sagot daw sa El Nino... PBBM, seryosohin n'yo — Castro

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 14, 2026



Atty. Claire Castro - PCO

Photo: Atty. Claire Castro - PCO



Hindi biro ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na maghanda sa posibleng epekto ng Super El Niño, kabilang ang pagbili ng balde at pag-iipon ng tubig-ulan.



Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro matapos kuwestiyunin ng ilang netizens ang pahayag ng Pangulo, na para sa ilan ay tila ipinauubaya sa bawat mamamayan ang paghahanap ng paraan upang makaraos sa inaasahang matinding tagtuyot.


Ayon kay Castro, seryosong tinututukan ng Pangulo ang El Niño dahil maaari pang lumala ang epekto nito sa mga susunod na buwan.


“Ang bawat pagtalakay dito, ang bawat mensahe, ang bawat suggestion, ang bawat mga ibinibigay na aral sa atin ng gobyerno at ng Pangulo, ito ay dapat na siniseryoso,” ani Castro.

Nilinaw din ng opisyal na hindi lamang basta pag-iipon ng tubig ang layunin ng panawagan ng Pangulo, kundi kabilang dito ang pagtuturo sa publiko kung paano ligtas na magagamit ang naipong tubig-ulan.


Binatikos din ni Castro ang mga tinawag niyang obstructionists o mga taong aniya’y walang nakikitang positibo sa mga ginagawa ng administrasyon.


“So, kaya nga sabihin natin sa mga obstructionists, kung puwede lang bumili ng baldeng utak para maibigay sa inyo,” dagdag ni Castro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page