top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sinovac na made in China...

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2020
2 min read

P3, 629.50 lang, Pfizer na made in U.S., P2, 379, pero ang mahal na vaccine ang bibilhin ng Duterte gov’t!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 17, 2020



SABI NI SEC. BRIONES, MAS DELIKADO RAW SA VIRUS ANG MGA NAKA-STAY-AT-HOME—Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, kaya nila papayagan na ang face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 ay dahil mas malaki ang posibilidad na magkahawaan ng virus sa loob ng bahay kaysa sa mga eskuwelahan.


Sa sinabing ito ni Sec. Briones ay parang sinabi na rin niyang walang silbi ang panagawan ng pamahalaan noon sa mamamayan na “stay at home” para hindi tamaan o mahawaan ng COVID-19 sa labas ng tahanan, boom!


◘◘◘


MAS PRAYORIDAD NG DUTERTE GOV’T. ANG BAKUNA NA GAWA NG CHINA KAHIT MAHAL KAYSA SA BAKUNA NA GAWANG AMERIKA NA MAS MURA—Ang presyo ng COVID-19 vaccine na Sinovac na gawang China ay P3,629.50 at ang presyo naman ng COVID-19 vaccine na Pfizer na gawang Amerika ay P2,379, at sa isyung ito, ang bakunang gawang China ang prayoridad na bilhin ng Duterte gov’t.


Anuman ang dahilan at bakit ang napakamahal na bakunang Sinovac na gawang China pa ang nais bilhin ng Duterte gov’t. ay silang taga-Malacañang lang ang nakakaalam, period!


◘◘◘


NAG-AALMAHAN NA ANG MGA TROPA NI P-DUTERTE NA KASAMA SA NAKASUHAN SA ICC—Umalma ang ilang kaalyado ni P-Duterte sa pahayag ng International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda na may reasonable basis ang crime against humanity na isinampa laban sa Pangulo.


Siyanga pala, ang kabilang sa mga umalmang ‘yan ay ‘yung mga tropa ni P-Duterte na sinampahan ng kaso sa ICC kasi kapag nagpalabas na ng warrant of arrest, kabilang sila sa mga posibleng arestuhin kapag lumabas sila ng bansa, he-he-he!


◘◘◘


TULOY ANG PATAYAN NG GOV’T. FORCES AT NPA NGAYONG KAPASKUHAN—Matapos sabihin ni P-Duterte na hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang kanyang gobyerno laban sa New People’s Army (NPA) ay nagpalabas na rin ng statement ang Communist Party of the Philippines (CPP) na hindi na rin sila magdedeklara ng ceasefire.


‘Yan ang nakakalungkot na katotohanan, sa panahon ng Kapaskuhan, ang mga Pilipino ay magpapatayan, saklap!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page