Sinovac, 'di bubuksan at ie-X-ray ng BOC
- BULGAR

- Feb 28, 2021
- 1 min read
ni Mary Gutierrez Almirañez | February 28, 2021

Dumating na sa Villamor Air Base ang mga tauhan ng Philippine National Police ( PNP) upang salubungin at mabigyang seguridad ang pagdating ng bakunang Sinovac sa ‘Pinas ngayong araw, Pebrero 28.
Kapag lumapag sa bansa ang Sinovac ay hindi ito puwedeng buksan at hindi rin ito idadaan sa X-ray machine ng Bureau of Customs dahil anila, nakapagsagawa na sila ng advance processing hinggil dito. Ang gagawin na lamang nila ay bilangin ang mga darating na kahon hanggang makarating sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
“Nai-submit na sa amin 'yung necessary documents at bago pa po lumapag ito, ipoproseso na namin ‘yung clearances sa Customs,” giit ni BOC Spokesperson Atty. Vincent Maronilla.
“Pagdating ho doon, ang mangyayari rito, papalabasin na lang namin at babantayan namin hanggang makarating siya sa RITM,” dagdag pa niya.
“Pagdating po ng Research Institute for Tropical Medicine, nandoon po ‘yung Customs officers namin para lang po tingnan ‘yung paglipat niya sa cold storage facility.”
Inaasahang 600,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ang darating sa bansa ngayong araw.
Sa ngayon ay naghahanda na rin ang ilang ospital na makakatanggap ng unang batch nito.








Comments