top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sino kina OWWA Deputy Adm. Mocha at Faustino ang tinutukoy ng COA na

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 19, 2021
2 min read

bumili ng hygiene kits sa hardware? Abangan!


ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 19, 2021



DAPAT TANDAAN NI P-DUTERTE NA DAHIL SA COA REPORT, MAY MGA NAKULONG NA PORK BARREL SENATORS—Imbes na suportahan ang isinasagawang pagsusuri ng Commission on Audit (COA) sa mga pera ng bayan na nasa tanggapan ng pamahalaan, nagagalit pa si P-Duterte sa COA.


Kung totoong galit si P-Duterte sa mga korup, dapat pinapalakpakan pa niya ginagawang pag-o-audit ng COA sa pera ng bayan, at hindi pinapagalitan.


Dapat tandaan ni P-Duterte na dahil sa COA report noon tungkol sa pork barrel scam ni Janet Napoles kaya may mga nakulong na pork barrel senators, period!


◘◘◘


LUNDAGAN SA TUWA ANG MGA “BUWAYA” SA UTOS NI P-DUTERTE NA I-IGNORE ANG COA REPORT—Sa galit ni P-Duterte sa COA ay inutusan niya ang mga opisyal ng gobyerno na i-ignore ang COA report tungkol sa kinukuwestiyong maling paggasta sa pera ng bayan na nasa kanilang tanggapan.


Dahil sa utos ni P-Duterte, malamang ay naglulundagan na ngayon sa tuwa ang mga buwaya sa pamahalaan, boom!


◘◘◘


CONSTRUCTION STORE NA BINILHAN NG OWWA DEPUTY ADMINISTRATOR NG MEDICAL SUPPIES, HINDI MAHAGILAP ANG ADDRESS—Kabilang sa nasuri ng COA ay tungkol sa pagbili ng isang deputy administrator ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) sa hardware o construction store ng mga napkins at hygiene kits na nagkakahalaga lahat ng higit P1.2 million.


Mantakin n’yo, kagamitang pang-medikal ay sa construction store binili, imbes na sa drug store.


At ang masaklap, kandahilo na ang mga miyembro ng media sa kahahanap sa address ng hardware para alamin kung may tinda itong kagamitang pang-medikal ay hindi nila makita, na nangangahulugang peke ang address ng construction store na isinumite ng deputy administrator ng OWWA sa COA, buwisit!


◘◘◘


SINO KINA OWWA DEPUTY ADM. MOCHA AT DEPUTY ADM. FAUSTINO TINUTUKOY NG COA?—Dalawa ang deputy administrator ng OWWA at sila ay sina Deputy Adm. Mocha Uson at Deputy Adm. Faustino Sabarez.


Kaya’t ang tanong: Sino sa kanilang dalawa ang tinutukoy ng COA na bumili ng napkins, thermal scanners at hygiene kits sa construction store? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page