Sino ang mananaig sa Cojuangco Cup?
- BULGAR

- Nov 14, 2020
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 14, 2020
Sino ang magkakampeon sa 2020 Philracom Ambassador Cojuangco, Jr., Memorial Cup na gaganapin sa Nobyembre 15 sa San Lazaro Leisure Park (SLLP)sa Carmona, Cavite.
Sampung kalahok ang maglalaban sa . Cojuangco Jr. Cup bukas sa SLLP na pangungunnahan ng Chance The Racer,Full Steam, Gomper Girl, National Pride,Pangalusian Island, Righteous Ruby, Sooner Time, Stella Malone,Viva Morena at Wonderland.
Pinapaboran ang mga kalahok na Chance the Racer, Full Steam, National Pride, Pangalusian Island, Viva Morena at Wonderland.
Ito ang kauna-unahan na magaganap ang karera na hindi matutunghayan ang dating Philracom Chairman na Danding Cojuangco na sumakabilang buhay noong Hunyo 17,2020. May nakalaang P1.8 milyon premyo sa tatanghaling kampeon habang makatatanggap ng P675,000 ang 2nd place, may nakalaang P375,000 ang 3rd place at P150,000 sa 4th place.
Tatanggap din ng P100,000 ang horse breeder sa mananalong kabayo. Nagwagi ang Bugle Note sa 2019 Philracom Cojuangco Cup na isinagawa noog Nobyembre 17 sa Santa Ana Race Track.




Comments