Sinisisi dahil natalong senador… KAMPO NI BISTEK, 'DI NAAAWA KAHIT MAY SAKIT SI KRIS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 9, 2022

Kung si Robin Padilla ay todo-pasasalamat kay Kris Aquino dahil sa malaking tulong na ginawa nito upang maging number one senator siya, may ilan namang fans at supporters ni Herbert Bautista ang may tampo kay Kris ngayon.
Isa si Kris sa mga itinuturong dahilan kung bakit hindi nakapasok si Bistek sa Top 12 senators. Matatandaan na noong pumunta si Kris sa rally ni VP Leni Robredo sa Tarlac, may binitawan itong salita sa mga taong dumalo sa rally na huwag iboboto ang isang taong hindi marunong tumupad sa kanyang pangako.
At kahit na hindi nagbanggit ng pangalan si Kris tungkol sa identity ng taong hindi marunong tumupad sa pangako, obvious naman na si Bistek ang kanyang tinutukoy.
May naging pahayag pa noon si Kris na minsan ay inalok na siya ng kasal ni Herbert Bautista. Naunsiyami lang ang plano dahil mas pinili raw ni HB ang kanyang mga anak na tutol sa relasyon nila ni Kris.
Going back sa kuwento ni Robin na nagtatawag daw si Kris Aquino sa mga kaibigang mayors and governors na dikit sa Aquino Family para suportahan at iboto si Robin Padilla, posible rin na hinarang nga ni Kristeta ang boto ng ilang LGUs kaya kinapos sa boto si HB.
Hindi pinalad na makapasok sa Top 12 si Bistek. Masaya ba si Kris na natalo ang ex-BF niya? Ito ba ang kanyang ganti kay Herbert?
Malubha ang sakit ni Kris Aquino ngayon. Hindi mahanapan ng lunas ang kanyang karamdaman. Aasahan ba ni Kris na makikisimpatya sa kanyang kalagayan ang mga tagahanga at supporters ni Bistek?
Pero kung si HB ang tatanungin, ang paggaling ni Kris ang lagi niyang dasal. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob kay Kristeta.





Comments