Sinisiraan na ni Xian, todo-lafang lang… “WALA AKONG PAKE” — ALDEN

ni Vinia VIvar @Frankly | October 26, 2026

Photo: IG _aldenrichards02
Sa gitna ng sunud-sunod na pasabog ng social media personality na si Xian Gaza tungkol kay Alden Richards, tila dedma naman ang aktor base sa kanyang latest Instagram (IG) Story.
Sa ipinost na reel ng Asia’s Multimedia Star, makikitang buong-ningning siyang nag-e-enjoy sa pagkain ng street food.
Sabi sa kanya ng kumukuha ng video na si Nate Gonzaga, “Sasabihin na naman sa ‘yo ng mga bashers, tumataba ka.”
Mariing sagot naman ni Alden, “Wala akong pake sa kanila!”
Ipinost din ito ni Nate sa kanyang IG kung saan ay dumagsa ang pagsuporta sa aktor ng mga fans and netizens.
“Love you, Alden (heart emoji). I’m your forever fan. Dedma sa mga nag-aakusa without solid proof,” ang pahayag ng suporta ng isang fan ni Alden.
“I stand with Alden as always,” sey naman ng isa pa.
“Tama ‘yan, Tisoy, dedmahin mo na lang,” pag-ayon naman ng isang supporter.
“Alden is the kindest na star sa Pilipinas. Inggit lang ‘yung naninira sa kanya. God will fight your battles. Hayaan mo lang s’ya,” pagtatanggol naman ng isa pang faney.
Anyway, marami rin ang nag-uudyok kay Alden na kasuhan si Xian dahil sa mga libelous nitong rebelasyon tungkol sa aktor.
Isa nga sa mga pasabog ng social media personality ay nanghihiram lang umano ng mga mamahaling gamit si Alden sa kaibigan nitong mayamang mag-asawa kabilang na raw ang mga signature jewelries and watches.
Sa isang post naman ni Xian sa Facebook (FB), sinabi niyang wala raw siyang pakialam kung makasuhan man siya ng cyberlibel.
MULA sa mga pelikulang puno ng kontrobersiya at provocative storytelling, susubukan naman ng direktor na si Darryl Yap ang horror genre sa kanyang kauna-unahang horror film na VHS, o Viva Horror Stories.
Kilala ang Viva director sa paggawa ng mga pelikulang madalas magdulot ng matinding reaksiyon at diskusyon sa publiko.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Darryl kung paano nagsimula ang kanyang pagpasok sa horror genre.
“Perhaps so I could break the chain,” paliwanag ng direktor.
Dagdag pa niya, “When VIVA asked if I had a story for Halloween, my first instinct was to dig through my old one-act plays from years ago. I guess the decision to cross over into horror came partly from VIVA asking at just the right time, and partly from a creative itch to try something different.”
Ayon sa direktor, marami raw aabangan ang mga horror movie fanatics sa VHS.
“You can expect a lot of differences here. Of course, there has to be a supernatural element, otherwise, it’s just a thriller. There are things in the film that are horror by nature, but that’s not really the focus.
“I’m more interested in people, in human behavior, in what we’re capable of doing to each other. At the end of the day, that’s what this film is about. The supernatural is there, but the real horror is human,” sey niya.
Ang VHS ay isang three-part horror anthology na nagtatampok ng tatlong magkakaibang kuwentong may kani-kanyang misteryo at nakakakilabot na pangyayari.
Kabilang dito ang kuwento ng isang cheerleader na hinahabol ng isang sinister presence sa campus, isang tila perfect romance na nagtatago ng nakagigimbal na sikreto, at isang celebrity couple na kailangang harapin ang isang mahirap na desisyon matapos maisilang ang kanilang anak.
Tampok sa pelikula sina Sarah Lahbati, Ella Cruz, Sachzna Laparan, McCoy de Leon, at Kit Thompson.





Comments