Sinira raw sina Maine at Alden… ARJO, IBOBOYKOT, 'DI IBOBOTO NG ALDUB FANS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 13, 2022

May nasagap kaming bali-balita na maraming AlDub fans na residente ng District 1 ng Quezon City ang hindi raw iboboto si Arjo Atayde na boyfriend ngayon ni Maine Mendoza.
Tumatakbo si Arjo sa pagiging congressman sa District 1 ng Kyusi. Hanggang ngayon daw ay hindi matanggap ng AlDub fans na si Arjo ang sumira sa tambalang AlDub (Alden-Yaya Dub) kaya hindi nila papayagang lumusot si Arjo sa kanilang distrito.
Well, hindi naman siguro lahat ng botante sa District 1 ng QC ay kontra sa BF ni Maine Mendoza, lalo na kung maganda naman ang platapormang inilalatag ni Arjo.
At mukhang sinsero naman si Arjo na maging public servant. Bakit hindi siya bigyan ng chance na makapagsilbi?
Sa totoo lang, marami na siyang natulungang residente ng District 1 sa panahon ng pandemya.





Comments