Single parent, todo-kayod kahit may sakit sa puso, Alwyn… JENNICA, UMAABOT SA P100 THOU KADA BUWAN ANG GASTOS NILA NG 2 ANAK
- BULGAR

- Jul 27
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 27, 2025
Photo: Jennica Garcia - IG
Apat na teleserye ang tinanggihan ni Jennica Garcia pagkatapos ng Kapamilya drama series na Saving Grace (SG) na pinagbidahan ni Julia Montes.
May kinalaman sa faith and health ni Jennica ang pagtanggi niya sa mga inalok sa kanya na serye.
Pagkatapos kasing mahiwalay sa kanyang ex-hubby na si Alwyn Uytingco, si Jennica ang bumuhay sa kanilang dalawang anak na babae. Wala pa kasing masyadong project si Alwyn that time.
So, walang choice si Jennica kundi ang maghanap ng trabaho and she approached again GMA-7. Tinanggap naman siya at nabigyan ng project.
At the same time, nakapag-apply at natanggap din si Jennica bilang caregiver abroad.
Kuwento ni Jennica sa interbyu sa kanya ni Julius Babao sa YouTube (YT) channel ng newscaster, “Naayos ko na lahat ng papers ko. Nangyari pa po ‘yun nu’ng may GMA project ako.
“Ang nangyari sa GMA project, meron po kasi ako’ng anxiety and panic attack. Tapos meron po akong sakit sa puso, the best. Maliit po kasi ang puso ko.
“Ang bait po talaga ng GMA kasi hindi nila ako tinanggal sa show. Kaya lang, hinimatay ako (during the scene).”
Bata pa lang si Jennica ay nadiskubre na niya na meron siyang sakit sa puso. Bawal na bawal ang sobrang saya, tawa, lungkot at iyak. Nagpa-pass-out daw siya.
Hanggang sa nabigyan ng projects sa ABS-CBN si Jennica. Super-proud siya sa kanyang role sa Dirty Linen (DL). Pero inamin niya na nahirapan siya sa sumunod niyang show sa ABS-CBN, ang SG.
“Abusive mother ang role ko doon. Hindi ko pala kaya,” pag-amin niya.
For the first time in her life raw, tumanggi siya sa project after she did SG.
“Feeling ko, gulat na gulat ang management dahil all of a sudden, humihindi na ako sa trabaho and this is after Saving Grace.
“Nakakahiya ‘to pero sabihin ko na ‘to. Sabi ko sa kanya, ‘Tatay, ‘pag ang artista, magaling… Our normal job is we roll at 7 AM. Masaya ka ng morning, malungkot ka ng 8 AM. Malungkot ka ng 9 AM. Pinatay kang 10 (PM). Buhay ka ng 11 (PM). Do you get me? It’s not normal,” saad ni Jennica.
Pagod na pagod at gustung-gusto na raw ni Jennica umuwi after taping ng SG.
“Hindi ko ipinapakita sa kanila na pagod na pagod ako at gusto ko nang umuwi. But deep inside me, I’m heartbroken. Kasi heartbroken dapat ako doon sa scene,” lahad pa ni Jennica.
Sa ngayon, kahit wala raw siyang project ay nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil ipino-provide ang pangangailangan nilang mag-iina.
Monthly daw ay umaabot nang mahigit sa P100,000 ang budget ni Jennica Garcia for her children’s expenses.
ANG lakas-lakas ng dating ng baguhang si Hugo Sotto. Unang silip pa lang namin ng pictures niya sa Instagram (IG) ay in-stalk na namin nang tuluyan.
At sa pag-i-stalk namin, we found out na isa pala siyang showbiz royalty. Apo nina showbiz queen Helen Gamboa at Tito Sotto si Hugo, na ang real name ay Vicente Sotto IV.
And knows n’yo na rin kung sinu-sino ang relatives ni Hugo. Like the Prince of Comedy Vic Sotto and the Megastar Sharon Cuneta.
Si Hugo ay 20-year-old at 6-footer na panganay na anak ni Quezon City Vice-Mayor Gian Carlo Sotto at ng misis nito na si Joy Woolbright Sotto.
Nag-aaral si Hugo sa Ateneo de Manila University (ADMU) at isang varsity player.
Proud ang dad niyang si Gian when he posted sa comment section sa IG post ni Tito Sotto.
Comment niya, “Anak ko ‘yan!”
Post naman ng ina ni Hugo, “My baby is all grown up (heart emoji).”
Looking forward na kami sa tatakbuhin ng career ni Hugo. And with Ms. Shirley Kuan around as his manager, how can he go wrong, ‘di ba?










Comments