Singer, sikat na sikat na… MGA EX-GF NI ARTHUR NERY, 'HU U' NA SA KANYA
- BULGAR
- May 28, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | May 28, 2022

Siguradong “HU U” na kay Arthur Nery ang mga ex-GF niyang nanakit sa kanyang puso dahil sikat na ngayon ang singer na isa sa hottest names in OPM at isa sa Viva Records artists.
Ang maganda lang, tuwing heartbroken si Arthur, nakakapagsulat siya ng kanta. Pinalilipas lang daw muna niya ang sakit sa puso at saka sumusulat ng songs.
Katwiran nito, baka maiyak siya habang nagsusulat ng songs, mababasa ang papel na sinusulatan at baka mabura ang isinulat niya.
Ang bilis sumikat ni Arthur na pati Viva Records ay nagulat, naging hitmaker agad siya at umaabot sa milyon ang nag-i-stream sa songs niya sa Spotify, Apple Music at YouTube.
Ang biggest hit niyang Pagsamo, may 200 million streams at ang latest single na Isa Lang ay certified hit din. Hit din sa mga fans ang duet nila ni Janine Teñoso sa kantang Pelikula at tiyak na maghi-hit din ang mga susunod nitong kanta.
Nagulat din ang Viva na ilang araw pa lang out ang tickets sa first solo concert ni Arthur billed Arthur Nery ay nag-sold-out agad ang SVIP seats (P4,000 ang tiket) dahil may Meet & Greet ito at maging ang Lodge seats.
Sa July 2, 2022 sa New Frontier Theater ang concert at baka bago pa ang concert, sold-out na ang lahat ng tiket.
Sikreto pa ang mga guests at ang repertoire ni Arthur. Wish ng mga fans nila ni Janine na isa ang singer sa guest sa concert. May tsika kasing naging couple ang dalawa, hindi lang makumpirma dahil ayaw sagutin ni Arthur ang tanong about his love life.




Comments