Singer, gusto raw last siya sa show… DIREK PAOLO, NEVER AGAIN NA KAY RICO BLANCO
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | December 9, 2025

Photo: FB Paolo Valenciano & Rico Blanco
Hinahangaan ni Paolo Valenciano ang iconic male singer na si Rico Blanco. Pero, ayon sa anak ni Gary V. na musical director ay ayaw na raw niya itong makatrabaho kahit kailan.
May isyu kasi ngayon ang dalawang musical artists.
Ani Paolo, “Not meant to work together again.”
Si Paolo ang director ng JBL Sound Fest event na ginanap sa Parklinks Open Grounds sa Pasig City. Humingi ng paumanhin ang musical director dahil nagkaroon ng aberya ang nasabing show.
The director clears Cup of Joe of any fault and acknowledges their extra effort to meet the revised call time. Na-frustrate umano siya dahil first time niyang hinawakan ang festival.
Sa candid post niya sa Instagram (IG) stories, inamin niyang the situation spiraled beyond his control and resulted in an extended workday for his already exhausted team.
“Tonight, I lost complete control of our event, which caused a major delay and added two extra hours of work to an already exhausted team,” wika niya.
Nag-issue rin siya ng apology sa JBL, the event’s client, and to the OPM group Cup of Joe. Ipinagtanggol din niya ang banda na nag-effort mag-motorcycle dahil sa sobrang traffic para makarating sila sa oras.
Pagkumpirma niya, “Hindi late ‘yung Cup of Joe.
“We learn new things every day, and I know I still have a lot to improve! To everyone who was there, super sorry.”
May mensahe rin si Paolo kay Rico Blanco, na sa kabila raw ng paghanga niya sa musician, hindi na niya kayang makatrabaho pa itong muli.
“And to Rico, my hero, while I sincerely wish you the best, I’ve learned that we’re simply not meant to work together again,” deklara niya.
Samantala, gulung-gulo ang mga netizens sa tunay na nangyari. Ano raw ba ang ginawa ni Rico sa mismong event at napasabi si Paolo ng ‘never again’?
Sey ng isang netizen, “My friend was part of the event team and as per her, Rico refused to play during his part of the show. He was insisting na he wants to be the last one. He refused to go through with the line up kahit na COJ (Cup of Joe) ang headliner. That’s why the fireworks went off during COJ’s performance and not Rico’s.”
Hanggang ngayon ay wala pang statement si Rico Blanco regarding the matter.
NAGLABAS na ng pahayag ang aktres-vlogger na si Ivana Alawi tungkol sa ‘buntis prank issue’. Na-bash kasi ang isang netizen na lumabas sa vlog niya na hindi nai-blurred ang mukha at hinusgahan matapos na hindi magbigay ng pera sa aktres nang mamalimos ito habang kunwaring buntis.
In fairness, ang galing ng prosthetics ni Ivana sa mukha at iniba ang kulay ng kanyang balat kaya hindi siya nakilala ng mga tao.
Sey niya, “Tandaan po na laging may dalawang side ang kuwento.”
Sa kanyang Facebook (FB) post, giit niya na nakuha niya ang consent ng taong lumabas sa vlog, kaya hindi na niya ito kinailangang i-blurred.
May nakarating kasi sa actress-vlogger na, “May lumabas na sinasabing dapat ko i-down dahil nakakakuha ng pambabatikos sa kanya. Pero hindi naman s’ya tumanggi sa akin nu’ng hiningan ko s’ya, sadyang naunahan lang s’ya ni Kuya Hesus mag-abot (ng pera) at du’n na nag-focus ang atensiyon ko.
“Alam ko na kailangang magpaalam palagi sa mga ipapakita ko na hindi naka-blur. Kung papanoorin mo ang latest vlog ko na ‘Buntis’, marami ang naka-blur sa una at gitna dahil hindi kami humingi ng consent sa mga taong ‘yun… Ganu’n din sa iba kong mga pranks, lagi namin ibine-blur.”
Ibinahagi ni Ivana na nagkausap na raw sila ng taong involved, kung saan muli niyang ipinakita ang raw footage sa guy.
“Ipinakita namin sa kanya ‘yung raw footage at nakalimutan lang daw n’ya at humingi s’ya ngayon ng pasensiya. Inaasar kasi raw s’ya ng mga taong kakilala n’ya na nakanood ng vlog ko na sayang ang P100,000 na dapat sa kanya napunta pero naunahan lang daw s’ya, kaya s’ya ay nakapag-post ng ganu’n.
“Paalala na rin ito sa mga taong mahilig maniwala agad sa kung ano ang nakita sa social media,” pagtatapos ni Ivana Alawi.








Comments