Mga anak at apo lang daw ang puwede… SEN. LITO, AYAW NA IBANG AKTOR ANG GUMANAP BILANG SIYA SA LIFE STORY NIYA
- BULGAR

- Dec 10, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | December 9, 2025

Photo: FB Lito Lapid
HINDI nakakalimot na mag-celebrate ng Kapaskuhan kasama ang press ang mag-amang sina Senator Lito Lapid at TIEZA (Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority) COO (Chief Operating Officer) Mark Lapid.
Kahapon, naganap ang taunang Christmas party nila kasama ang press at gaya ng dati, napuno ng kumustahan, kuwentuhan, at raffle ang Christmas party ng mag-amang Lapid sa mga kaibigang press people.
Bago ang Q&A, nagpakita muna ng video ng mga lugar sa bansa na pinuntahan ng senador at hinatiran ng tulong. Kung si Lito lang ang masusunod, ang buong Pilipinas ang pupuntahan niya para mabigyan ng tulong ang mga nangangailangan, kaso may problema lang sa logistics.
Nakiusap sina Sen. Lito at Mark na hindi pag-usapan ang pulitika at magkuwentuhan na lang. Iwasan daw muna ang toxic na pulitika na nasunod naman.
Sa tanong kung may aktor siyang napipili na gumanap na Lito Lapid sakaling gawin ang biopic niya, sey niya, “Nakiusap si Robin Padilla na gawin ang Lito Lapid Story, may kaibigan daw s’yang aktor na gustong gumanap sa akin. Sabi ko sa kanya, ‘‘Wag! Sa mga anak at apo ko ‘yan.’”
Kaya lang, sabi ni Mark, sa mga kapatid niya ay parang walang puwedeng gumanap sa role ng kanilang ama. Sa mga apo na lang daw.
Ayon naman kay Lito, lahat ng mga apo niya ay gustong mag-showbiz.
Samantala, nalungkot ang press sa inamin ng senador na hanggang ngayon, ang kakulangan sa edukasyon pa rin ang iniisyu sa kanya. Kahit marami siyang nagagawang batas sa Senado, ang kawalan ng college diploma pa rin ang isyu.
“Sa mga anak ko ako bumawi. Sabi ko sa kanila, mag-aral na mabuti para ‘yung naranasan kong pang-aapi sa akin ay hindi ninyo maranasan. Edukasyon ang pamana ko sa mga anak at mga apo ko. Palakpakan natin si Mark, doctorate na s’ya,” pagmamalaki ni Lito.
Bago magtapos ang pagtitipon, ang wish ni Sen. Lito Lapid ay makasama pa rin ang press sa Kapaskuhan sa susunod na taon.
Sabi naman ni Mark Lapid, “Sana, makasama kayo sa pagbuo ng Lito Lapid Story.”
IN-ANNOUNCE na ni Willie Revillame ang opisyal na pagbabalik ng TV show niya sa kanyang Facebook (FB) page, “Ito na ang hinihintay mo! Posible ka nang maging MILYONARYO! Magsisimula na ang WILYONARYO ngayong December 21, Linggo, 8 PM sa WilTV via Cignal Channel 10.”
Sinundan ito ng announcement na, “Simula December 21, araw-araw, may magiging milyonaryo! Narito na ang pinakahihintay ninyo! Magsisimula na ang milyun-milyong papremyo sa WILYONARYO! Abangan ang maagang Pamasko ni Kuya Wil dahil mapapanood na live na live ang WILYONARYO sa WilTV via Cignal Channel 10 simula ngayong December 21, Linggo, 8 PM!”
Mag-register daw ang mga gustong sumali o manood. Visit Wilyonaryo website para mag-avail ng tickets. Hindi na lang daw jacket ang ipamimigay nila.
THIS is one of Heart Evangelista’s sexiest photos so far — side lang ng boobs ang ipinakita at tattoo. Nagustuhan ito ng netizens at marami nga ang naseksihan.
Nakadagdag daw sa alindog ni Heart ang suot na YSL white dress at muli raw nitong pinatunayan na she looks good and better in white.
Sa isa sa latest post ni Heart, kasama nito ang mom niyang si Cecilia na kagaya niya ay fashionista rin. May nag-suggest tuloy na isama ni Heart ang mom niya sa pag-attend niya ng Fashion Week sa January next year. Sigurado raw na magiging hit ang pagdalo nilang magkasama at marami ang nag-agree.
Sigurado raw na magiging most fashionable duo sila ng mom niya.
Wala pang reaksiyon si Heart Evangelista sa suggestion for her and her mom to attend Fashion Week next year. Ibig sabihin kaya, puwede na siyang rumampa next year abroad? Kapag nangyari ‘yun, siguradong babawi siya nang bongga.








Comments