top of page

Aminadong walang pinag-aralan... SEN. LITO, GAME MAG-VP PERO TAKOT PUMALIT NA PANGULO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 minutes ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 9, 2025



Photo: File / Piolo Pascual sa Manila's Finest



Mula sa pagiging serial killer na pari sa Mallari, isang pulis naman ang ginagampanan ngayon ni Piolo Pascual sa latest Metro Manila Film Festival entry ng MQuest Ventures, Cignal at Spring Films na Manila's Finest.


Mabuting pulis ng Manila Police District nu'ng dekada ‘60 na lalaban sa krimen at katiwalian ang role ni Piolo bilang si Capt. Homer Magtibay at ka-buddy niya rito si Enrique Gil na gaganap naman bilang si  1st Lt. Billy Ojeda.


Ang bongga ng ginanap na red carpet at grand mediacon ng Manila's Finest dahil 1960’s feels talaga ang hatid nila sa kanilang pa-bandang pang-fiesta na sinabayan ng mga makalumang suot ng cast.


Bukod kina Papa P. at Enrique, present sina Cedrick Juan, Ariel Rivera, Joey Marquez, Romnick Sarmenta, Jasmine Curtis-Smith, Kiko Estrada, Paulo Angeles, Ashtine Olviga, Ethan David, Dylan Menor, Inday Fatima, and Pearl Gonzales sa naturang mediacon.


Tinanong namin si Papa P. during the Q&A, dahil pulis ang kanyang role, pabor ba siya sa death penalty lalo't grabe na ang mga nangyayaring krimen ngayon sa bansa kumpara noong 1960s.


Natawang sagot ni Piolo, “Grabe naman ‘yun. Ang hirap namang sagutin nu'n. Hihihi (sa tawa ni Piolo)! Kaya nga ako nag-artista, eh.”


Dugtong nito, “Siguro, kung gaano kalaki ‘yung crime, ‘yung kasalanan. Let the people in the position judge. Ang hirap, eh, it's a crime against humanity. Kailangang may karampatang penalty du'n. Pareho lang, ‘di ba, an eye for an eye, a tooth for a tooth, biblically ganu'n.


“‘Di ko alam kung pa'no dapat takutin ‘yung tao na ‘wag nang gumawa ng masama to avoid that. There should really come a time na magkaroon ng takot ang tao.”


Pero kung personal nga raw niyang opinyon, wala naman siyang take sa issue ng death penalty, basta kung ano raw ang makakabuti sa mga tao.


Hmmm…. Just wondering, kung totoong nagpulis si Papa P, maraming kriminal kaya ang kusa nang magpapahuli? Hahaha!


Anyway, showing na sa Dec. 25 ang Manila's Finest bilang isa sa MMFF 2025 entries mula sa direksiyon ni Raymond Red.





Aminadong walang pinag-aralan... SEN. LITO, GAME MAG-VP PERO TAKOT PUMALIT NA PANGULO



Lito Lapid


PINASAYA na naman ng mag-amang Sen. Lito Lapid at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) General Manager Mark Lapid ang entertainment media sa ipinatawag nilang yearly get-together.


At nakaka-touched na kahit wala na si Manay Lolit Solis na siyang nangangasiwa ng get-together, itinuloy pa rin ng mag-ama ang kanilang taunang pasasalamat sa mga kaibigan sa press, kung saan si Tito Gorgy Rula na ang namahala this year.


Sa panayam sa mag-ama, ibinalita ni Sen. Lito na pang-apat na termino na niya bilang senador ngayon kaya gusto na sana niyang magpahinga at ipaubaya na kay GM Mark kung sakaling gusto nitong sundan ang kanyang yapak at tumakbong senador sa 2028.

Kaya naman tinanong namin ang matikas pa ring senador kung tuluyan na ba niyang iiwan ang pulitika sa edad niyang 76 o handa pa siyang tumakbong vice-president kung sakaling mahilingan ng kanyang mga supporters?


Sagot ni Sen. Lito, “Ah, hindi ko pa isinasara ang pinto pero wala pa talaga. Kahit nu'ng naging vice-governor ako, wala akong naging balak pumasok sa pulitika. Kahit nga sa barangay, ngayon pa kayang mas mataas pa?”


Aminado si Sen. Lito na wala siyang mataas na edukasyon kaya maraming nang-aapi at nangungutya sa kanya. Dahil dito, hindi raw talaga niya inisip o inambisyong makapasok sa pulitika pero rito nga siya dinala ng kapalaran.


Kaya nga dagdag na hirit nito na may kasamang biro, “Ang mahirap nito, baka manalo ako. ‘Pag nanalo ako, baka mawala ang presidente, ‘yun ang malaking problema.” 

Pero sa ngayon daw talaga, hindi niya iniisip ang pagtakbong VP although napag-uusapan nila ito sa bahay, pagkumpirma pa ni GM Mark.


Well, abangan na lang natin kung mag-iiba pa ang plano ng mag-amang Sen. Lito at GM Mark, malayo pa naman.


Samantala, proud si Sen. Lito na kahit nga wala siyang mataas na pinag-aralan, pinagkatiwalaan siya ng maraming Pilipino na maging senador nang apat na beses.


Sa unang anim na taon niya bilang senador, marami siyang nagawang makabuluhan, na pinagtaasan ng kilay ng mga hindi bilib sa kanya, at minaliit ng kanyang mga kritiko. 

Pinatunayan niyang siya ay isang "working legislator", isa sa Top Performing Senators, ika-4 sa mga senador na may pinakamaraming inilatag na bills at resolutions sa 14th Congress. 


Siya ang nagpasa ng mga makabuluhang social legislations sa 14th Congress: Free Legal Assistance Act of 2010 na nagbibigay sa mahihirap ng libre at de-kalidad na serbisyong legal. 


Sinundan ito ng iba pang polisiya at mga inisyatibang magbubura sa pagitan ng mayaman at mahihirap. 


Isinulong din niya ang mga mungkahing mag-aangat sa living standard ng mga mahihirap na malaon na niyang ipinaglalaban, kaya nga siya tinawag na “Bida ng Masa”. 

Mula sa pagiging neophyte senator, patuloy siyang nagsikap gawin ang nararapat para huwag mabigo ang mahigit sa 11 milyong Pilipinong bumoto sa kanya noong 2010 national elections. 


Sa pagtatapos ng 15th Congress, nakapaglatag si Senador Lapid ng 239 bills/resolutions - patunay na siya ang Fifth Most Prolific Member of the Upper Chamber. 


Bilang Chairman ng Senate Committee on Games, Amusement and Sports, tiniyak niyang maisagawa ang mga hakbangin para sa pag-develop ng sports sa kanayunan, para mabaling ang interes ng kabataan sa sports competition. 


Hangad niya ang coordination sa mga ahensiyang sumusuporta sa pambansang sports development program. 


Sa tulong ng mga naniniwala sa kanya, at sa kanyang mga itinataguyod, napatunayan ni Senador Lapid na hindi siya dapat minamaliit. 

"Dati naman akong inaapi. Siguro nararamdaman ng mga tao na ang tunay na paglilingkod ko sa kanila ay hindi sa salita kundi sa gawa," ani Sen. Lapid.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page