Singer-actress, todo-takip pa sa tiyan… SARAH, PINATAWAD AT TINANGGAP NA NI MOMMY DIVINE DAHIL BUNTIS
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 2, 2026

Photo: IG _justsarahgph
Ikinaaliw ng mga fans ni Sarah Geronimo ang bago niyang hairstyle na ipinost sa kanyang Instagram (IG). May pa-soft curtain bangs ang kanyang shoulder-length layered bob.
Ang bagong look niya ang pasalubong at entry ng singer-actress bilang pagbati niya sa unang araw ng pagpasok ng Setyembre.
Obvious na naaliw din ang singer sa kanyang bagong hairstyle at nag-enjoy sa pagkuha ng picture sa kanyang sarili.
Caption nito sa post, “Enjoyed taking selfies! I love my new hair color! Hello September!”
Kahit medyo ‘kakaiba’ ang bagong hairstyle, mukhang blooming pa rin daw ang misis ni Matteo Guidicelli.
Pilit na iniuugnay naman ng mga netizens ang bagong hairstyle sa kanyang diumano’y pagbubuntis.
Wala pa kasing opisyal na pahayag o anunsiyo ukol dito mula sa mag-asawa.
Kaya lang, sa showbiz kasi, kapag nagpapagupit ng buhok ang artistang babae, madalas itong iniuugnay ng mga fans sa ‘major personal transformation’ o bagong yugto ng buhay, gaya ng pagiging ina.
Hindi rin nakaligtas sa puna ng mga netizens ang half-body lang na anggulo sa kanyang larawan. Tapos, may nakatakip pa na throw pillow sa kanyang tiyan at suot ang maluwag na damit.
Lumalabas din ang mga ulat mula sa mga nakakita sa kanya na may napapansin nang baby bump kay Sarah.
If true na buntis na talaga ang singer, this is maybe the reason kung bakit nagkasundo na sila ng kanyang ina na si Mommy Divine Geronimo.
In her previous posts, spotted si Mommy Divine sa video habang nagpe-prepare ang anak para sa recording ng song at music video nila ng kanyang Daddy Delfin. Makikita ang masuyong pag-aasikaso nito, naisip siguro ni Mommy Divine ang kalagayan ni Sarah.
Now more than ever ay dapat nasa tabi siya ng anak sa pagbubuntis nito. Knows ni Mommy Divine ang magiging effect sa kanyang unang apo kapag may mabigat pa ring nararamdaman emotionally ang isang nagdadalantao.
“Been there, done that” si Mommy Divine diyan. At ayaw niyang may mangyaring hindi maganda kay Sarah at sa magiging apo nila ni Daddy Delfin.
Tama.
Bagong look, pinagpipiyestahan sa socmed…
XYRIEL, TUMANGOS ANG ILONG AT KUMAPAL ANG LABI
SPEAKING of ‘major transformation’, pinagdiskitahan ang bagong look ni Xyriel Manabat sa kanyang mga photos sa Instagram (IG) recently.
Tila nagbago raw kasi ang hitsura ng aktres base sa mga larawan niya. Lalong tumangos daw kasi ang ilong at kumapal ang mga labi nito.
Puring-puri ng ibang fans ni Xyriel ang kanyang pa-face card online.
Sey ni Xyriel sa kanyang latest post, “August hollered, and we delivered. What a month!”
Sey ng mga netizens…
“‘Pag ako talaga nagkapera, ilong mo talaga ang gagayahin ko,” emote ng faney.
“Wow!”
“Hot damnnn. First and last slide. She’s backkkkkkk!!!”
“Shet, ang GANDA!”
Trulili.





Comments