Sinaunang magsasaka, mangingisda at manlalayag, pinakabihasang ‘weather forecaster’
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | November 11, 2025

Humina na at lumabas na nang bansa ang Super Typhoon Uwan.
Napahiya sa pagtaya ang mga batikang weather forecasters na sinabayan ng mga “porkaster kuno” sa social media.
----$$$--
NAPANIWALA ng mga Pilipino at international forecaster na mananalasa nang todo ang Super Typhoon Uwan.
Lumitaw na mas grabe ang perhuwisyo na ipinatikim ng ordinaryong Bagyong Tino — na hindi rin naiabiso ng mga forecasters — ang sobra-sobrang ulan na dinala nito sa Kabisayaan.
-----$$$--
WALANG mali ang mga forecaster dahil sila ay nakasandal sa “aklat” o “teorya” na kanilang pinag-aralan sa matagal na panahon — pero hindi akma sa mga aktuwal na sitwasyon.
Kumbaga, masyadong “bookish” o “theoretical” ang mga pagtaya.
-----$$$--
TINANGGAP ng mainstream media, social media at mga government at private sector sa “face value” ang weather forecast — imbes sa “aktuwalidad” o aktuwal na sitwasyon sa kapaligiran.
Wala nang pinakabihasang “weather forecaster” kundi ang mga sinaunang magsasaka, mangingisda at manlalayag.
----$$$--
MAY nakita ba tayo na kinonsulta o may consultant ba ang DOST-PAGASA na batikang magsasaka, mangingisda at manlalayag -- upang ma-balido ang kanilang mga pagtaya?
Ibig sabihin, upang makapagbigay ng mas epektibong babala, abiso o payo — dapat ay kinokonsulta ang mga sinaunang “paham” na bihasa sa pagtaya ng panahon.
Kumbaga, naka-TEMPLATE sila, as in “DE-KAHON”.
----$$$--
SA totoo lang, ang mga sinaunang “ALMANAC” ang tradisyonal at pinakaepektibong gamit sa pagtaya ng panahon.
Kinonsepto ito, binubuo at ginamit sa aktuwal na pagtaya ng panahon.
Isa itong aktuwal na kalendaryo — na ginagamit ng mga sinaunang magsasaka, mangingisda, manlalayag o sailor —dahil epektibo ito!
----$$$--
ERE ang tanong: Bakit walang “almanac” ang DOST-PAGASA?
Kahit iskolar pa ang mga iyan o mga akademisyan, naliligaw sila sa kasangkapan sa pagtaya ng panahon.
-----$$$--
SA pagdating ng artificial intelligence, lalong malilihis, magkakamali ang pagtaya ng panahon — dahil sasandal lamang sila sa “datos” na nai-encode sa “world wide web”?
Wala kasing kakayahan ang pobreng magsasaka, mangingisda at bangkero — sa paggamit ng internet kaya ang kanilang “karunungan, karanasan at pagiging paham” — ay hindi maipapasok sa modernong teknolohiya.
----$$$--
MINOMONOPOLYO ng edukasyong nag-ugat sa Europe ang kamalayan ng ordinaryong tao kaya’t nakakaranas ng kapalpakan ang ating henerasyon sa pagtaya ng panahon.
Sino ba ng nakakabasa o nakakaalam ng “ALMANAC NG DIARIONG TAGALOG” ng rebolusyunaryong si Don Honorio Lopez ng Maynila na naglalaman ng “PAGTAYA SA LAGAY NG PANAHON”?
Bakit walang nangahas na magtataas ng kamay?
Lahat nakatalungko!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments