top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sinampal din ng kaklase… ELLA, AMINADONG NA-BULLY, MALIIT NA RAW, TINAWAG PANG LAOS NA ARTISTA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 24, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 24, 2022




Masarap talagang alalahanin ang high school life dahil ito ang pinakamasayang mga taon sa buhay ng isang estudyante. Sa ganitong panahon ka rin simulang matututo ng mga bagay-bagay na itutuloy mo pagtungtong ng kolehiyo.


Ang high school life ang pinakamagulong parte naman ng buhay ng isa sa mga bida ng TV series na The Seniors na si Ella Cruz dahil ito 'yung panahong binully siya na akala niya sa pelikula lang nangyayari, kuwentu-kuwento lang, totoo pala.


Aniya, “To be honest, 'yung high school talaga ang pinakamagulo na parte ng buhay ko. Isa sa mga magulong parte ng buhay, kasi ru’n ko na-experience na ma-bully ako.


“Siguro, kung magtatanong kayo kung ano po 'yung mga na-bully sa akin, 'yung isa is maliit ako. Tapos, laos na artista raw ako. Kapag wala akong projects, sinasabihan ako ng mga ganu'n."


Nabanggit pang nakatikim siya ng sampal sa kaklase na hindi niya mawari kung bakit.


“Sinasabi nila na nakakapasa lang kasi binabayaran ko raw 'yung mga teachers dahil lagi akong absent.


“One time, I’m just walking sa hallway, biglang kinorner po ako ng mga kaklase ko, tapos bigla nila akong sinampal, out of nowhere, na walang reason talaga. Na-experience ko po 'yun," kuwento ng actress-dancer sa virtual mediacon ng The Seniors nitong Martes.


At nang tumungtong siya ng senior high ay umokey na ang trato sa kanya ng mga kaklase niya.


“Thank God, nu’ng senior year ko na, fourth year high school, lumipat ako ng school sa Quezon City. Nag-home study ako dahil 'yun ang time na hindi ko na kayang mag-aral ng regular o pumasok nang regular.


“Du’n ko na-meet 'yung mga tunay na kaibigan ko, 'yung friends for life. Sila talaga 'yung maaasahan mo through ups and downs.


“Dito sa Bulacan, wala akong friends. Pero 'yung naging friends ko sa Quezon City, they didn’t care na artista ako. Until now, nagtutulungan kami sa mga business,” kuwento ng dalaga.


Kasama rin ni Ella sa TV series sina Awra Briguela, Andrea Babierra at Julia Barretto mula sa direksiyon ni Shai Advincula-Antonio na produced ng Viva Films at mapapanood sa Vivamax simula sa March 20.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page