top of page

Sinampahan ng 5 counts ng cyberlibel… SHARON AT KIKO, INIURONG NA ANG DEMANDA LABAN KAY CRISTY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2025
  • 2 min read

Updated: Jul 12, 2025

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 11, 2025



Photo File: Kiko, Sharon at Cristy Fermin - YT



Marami ang humanga sa power couple na sina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa ginawa nilang pag-urong sa cyber libel case na isinampa laban sa veteran columnist/radio anchor na si Cristy Fermin. 


Nagkaroon ng out-of-court settlement o mediation procedure na pinagtibay sa harap ng Makati Regional Trial Court, Branch 148.


Nauna nang nag-public apology si Cristy Fermin sa kanyang programa sa YouTube (YT). Kinasuhan ng 5 counts of cyber libel nina Sharon at Sen. Kiko si Cristy. Ilang beses din na nagkaroon ng hearing bago nagdesisyon na iurong ang kaso.


Nagpahayag naman si Cristy ng kanyang pasasalamat kina Megastar Shawie at Sen. Kiko na tinawag niyang ‘The Forgiving Couple’.


Dahil sa pagkaka-dismiss ng kaso, malaking tinik ang nabunot sa dibdib ni Kabsat Cristy Fermin. Bagama’t sanay na sanay na siya sa demanda ng mga artista, malaking abala at nakaka-stress din ang um-attend ng hearing sa korte.


Ngayon ay masayang-masaya na ang mga kaibigan nina Megastar at Cristy dahil naayos na ang kanilang kaso sa korte. 


Samantala, ramdam naman ang sinseridad ni Megastar sa kanyang post na hindi basta naitatapon ang pagkakaibigan. Na-miss din daw niya si Cristy.


Payapang buhay ang gusto nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan kaya pinili nilang magpatawad at iurong ang demanda.


Dahilan ng tampuhan ng 2 aktres…

WILL, GAME PAG-AYUSIN SINA JILLIAN AT SOFIA


PLANO raw ni Will Ashley na mamagitan upang maayos na ang gap at silent war nina Jillian Ward at Sofia Pablo.


Pareho niyang kaibigan ang dalawa na nakasama niya noon sa afternoon soap na Prima Donnas (PM). Ilang taon na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa nag-uusap at nagpapansinan sina Jillian at Sofia.


Well, sa pagkakaalam namin, si Will ang dahilan ng gap at silent war nila. Crush ni Jillian si Will pero naging close sa isa’t isa si Sofia at ang aktor. 


Dinamdam daw ito ni Jillian at malaki ang selos niya sa kapwa-aktres. Kaya hanggang sa natapos na ang PD ay hindi sila nagpapansinan ni Sofia.


Ganunpaman, sa isang interview, sinabi ni Sofia na willing siyang makipag-ayos kay Jillian Ward upang matuldukan na ang issue sa kanilang pagitan.


Magtagumpay kaya si Will Ashley na pagbatiin sina Jillian Ward at Sofia Pablo? Let’s see.



MAY ilang mga netizens ang nagsasabing nakita nila sa isang event si Nadine Lustre at medyo nag-gain daw ito ng weight.


Eh, may movie pa naman siyang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 kaya tiyak na magiging busy siya sa pagpo-promote. 


Kailangan na ngayon pa lang ay mag-effort si Nadine na magbawas ng timbang kung totoong tumaba siya.


Well, confident naman si Nadine sa kanyang pagiging morena. At wala siyang balak na gumamit ng mga produktong pampaputi. Asset niya ang kanyang kutis-Pilipina at hindi niya ito ikinahihiya. Ayaw niyang maging fake na tisay tulad ng ibang artista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page