Ex, ‘di raw dapat idine-deny… WILLIE, UMAMING SI SUGAR AT MGA ANAK ANG NAGPASAYA SA KANYA NG 7 TAON
- BULGAR

- 1 hour ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 22, 2026

Photo: IG _masugarmercado7
FOR the longest time, during and after the years of the pandemic ay muli naming nasilayan in person ang TV host-aktor na si Willie Revillame sa presscon ng bago niyang show na Wilyonaryo.
Mapapanood na ang game show simula January 25 sa official website ng programa na Wilyonaryo.com, dalawang araw bago ang kanyang ika-65 kaarawan.
Yes, 65 na pala ang mahusay na TV host this coming January 27, 2026. Pero bakit tipong hindi siya tumatanda at ang tikas pa rin ng kanyang pangangatawan?
Kaya naman ang unang tanong ni yours truly kay Willie, “Sabi mo, 65 years old ka na. But as I laid my eyes on you now, you look only in your late 30s. Ano’ng sikreto mo sa pagiging younger-looking? Dahil ba isa ka nang milyonaryo ngayon?”
Masayang sinagot si yours truly ng mahusay na TV host-aktor na may kasamang malakas na halakhak na naging dahilan ng tawanan ng madlang press people.
Pabirong sagot ni Willie, “Tanggalin mo ‘yung shades mo,” sabay halakhak.
Dagdag pa niya, “It’s not about the money, it’s about your mind. May peace of mind kasi ako dahil wala akong itinatago, wala akong ninanakaw, wala akong niloloko. ‘Yun ang kayamanan ko sa ngayon.”
Tanong pa ni yours truly, “May nakita ako sa social media na meron ka raw syota, as in girlfriend, na nag-uumpisa sa letter W ang pangalan ng girl. How true?”
Sagot ni Willie, “Wala akong girlfriend. Kung may girlfriend ako, ipapaalam ko sa ‘yo. Ikaw lang mag-isa at ihaharap ko sa ‘yo at sasabihin ko, ‘Oh, Ms. Mercy, okay na ba sa ‘yo ‘to?’ Wala akong girlfriend, wala akong karelasyon. Hindi totoo ‘yun.
“Alam mo, ang hirap ‘pag nagpa-picture ka, sasabihin, girlfriend mo. Ine-encircle lang, sasabihan na nang ‘di maganda. Kaya ‘pag nagpapa-picture, lagi akong naka-ganyan,” sabay-demo na magkahawak ang kamay.
Biro niya, “Pero ‘pag lola, ‘di ako bina-bash. Kaya mahirap talaga ang social media. Hahaha!”
In fairness, nakakapagpabata pala talaga ang peace of mind. At sa pagkakaalam ni yours truly, wala ring kahit na ano’ng bisyo si Willie. Hindi siya naninigarilyo, hindi umiinom ng alak, at lalong never siyang tumikim ng drugs.
Kaya naman ang sey ko na lang, “Thank you, Willie. Nice to see you again.”
Saad ni Willie habang naka-smile, “Thank you, Mercy. Love ko ‘yan.”
Samantala, sa panayam ay tinanong si Willie kung totoo na nagkaroon sila ng relasyon ng dancer-aktres na si Sugar Mercado na tumagal din nang pitong taon.
Saad ni Willie, “Napamahal na sa akin ang mga anak ni Sugar. Parang naging mga anak ko na rin sila kasi ‘di ko naman nakakasama ang mga anak ko. Du’n ako nabaling, sa mga anak n’ya.
“Du’n ako nag-e-enjoy kasama ang mga bata. Bino-blower ko ang mga anak n’ya, naging ano ko talaga. Totoo naman ‘yun, ‘di ako magde-deny d’yan. ‘Di naman dapat idine-deny ang totoo.
“Kaya lang, siguro, ‘di talaga kami para sa isa’t isa. Pero ‘yung talagang nagpasaya sa akin noon, si Sugar at ang mga anak n’ya, kasi ‘di ko na kasama ang mga anak ko. Parang naging happy ako nu’ng makasama ko ang mga anak n’ya.
“Parang nangulila ako sa mga anak ko. Alam naman ng mga anak ko ‘yan. At hindi naman selosa ang mga anak ko kasi nakita rin nila na naging masaya ako at naging fair naman ako sa kanila.
“Okay lang ‘yun. Hindi mo dapat idine-deny ang naging karelasyon mo. Kawawa naman ang babae. Totoo naman ‘yun. ‘Di ako ganu’ng klaseng tao na magde-deny.”
Samantala, handa ka na bang manalo ng limpak-limpak na papremyo? Tumutok na sa Wilyonaryo simula January 25 dahil LIVE na LIVE ang pamimigay ni Kuya Wil ng mga papremyo para sa mga masuwerteng Ka-Wilyonaryo.
Kung mapipili ang tamang kombinasyon mo, may tsansa kang manalo ng P1,000,000. Kung tamang letra sa tamang posisyon ang naipasa mo, maaari ka ring manalo ng P10,000, at kung may tamang kulay naman ay maaari kang manalo ng ₱20,000.
Para makasali sa buhos ng suwerte, mag-register na sa Wilyonaryo website, okidoki?
MASAYANG ibinahagi sa social media ng ina ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na si Mrs. Angelica Poquiz Yulo na nakabili na sila ng sariling lupa.
Sa kanyang post, makikitang masaya si Angelica habang kasama ang kanyang pamilya na kumakain, at ipinakita rin niya ang lupang kanilang nabili.
Saad ni Angelica sa kanyang post, “‘Yung pinilit ni mama ang sarili n’ya na maglakad para makita ‘yung nabili naming lupa. Super-excited s’ya to the point na ‘di na nakatulog noong nagdaang gabi.
“Dalangin ko na maabutan mo pa ‘yung bahay na ipapagawa dahil alam kong mahilig ka sa halaman mula noon hanggang ngayon. Kayo ni papa ang nakatoka sa halaman dahil may green thumb kayo.”
Dagdag pa ni Angelica Yulo, “First investment for 2026. SSS (since 2004 up to now) (check emoji). St. Peter 3x (fully paid way back 2014) (triple check emoji). Insurance (still paying for both of us) (check emoji). House and lot in Manila (check emoji) Retirement lot (check emoji). Retirement house (hopefully soon) (praying hands emoji).”
Wow!








Comments