Power couple, ayaw tantanan sa hiwalayan… DINGDONG AT MARIAN, PAREHONG WALANG SUOT NA SINGSING SA CEBU
- BULGAR

- 1 hour ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 22, 2026

Photo: FB Marian Rivera
Ayaw talagang tantanan ang tinaguriang Power Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng isyung hiwalayan na nag-ugat sa blind item.
Kahit diretsahan nang sinagot ni Marian ang isyu at sinabing taun-taon naman ay may ganitong tsismis sa kanila ng mister na hindi naman napapatunayang totoo, meron at meron pa ring naniniwalang may ‘something’ ngayon sa mag-asawa.
In fact, nang magpunta recently sina Marian at Dingdong sa Cebu kasabay ng selebrasyon ng Kapistahan ng Sto. Niño, inintriga na naman ang mag-asawa nang sumama sa parada para i-represent ang kanilang endorsement na Bioderm.
Sa mga pictures kasing nai-post nina Marian at Dingdong sa kani-kanilang Instagram account, may mga nakapansin na parehong walang suot na wedding ring ang mag-asawa.
Nahalata rin daw nila na hindi masyadong nagtitinginan at nag-uusap sina Dong at Yan kahit magkatabi sa float at hindi rin sweet sa isa’t isa ‘di tulad noon.
Pero may mga nagtanggol din naman sa mag-asawa at sinabing alangan namang isuot nina Dingdong at Marian ang kanilang milyones na wedding ring sa ganu’ng parada, hindi nga naman safe lalo na’t nasa public place sila at maraming puwedeng kumamay sa kanila.
Sabi pa ng ilang fans ng DongYan, napapansin nilang si Marian ang mas madalas magsuot ng wedding ring nila ni Dingdong, pero ang aktor, sa mga special occasions lang isinusuot ang kanyang singsing.
Hmmm… baka naman nag-iingat lang si Dingdong lalo’t hindi lang naman hosting sa Family Feud ang kanyang ginagawa, umaarte rin siya at sa taping, mahirap lalo kung may mga action scenes kung suot niya ang kanyang wedding ring, especially kung hindi naman married ang role niya, ‘no?
‘Kalokah ang mga Marites, ‘di mapakali hanggang ngayon sa panghuhula kung sino ang power couple na naghiwalay na raw. Hahahaha!
Pamangkin kay Aga, nawala sa Eat… Bulaga!...
ARLENE, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA NABUNTIS NI JOEY SI ATASHA
Buhay na buhay pa rin ang tradisyon ng fiesta sa Lipa, Batangas.
Dumayo kami sa probinsiya ng aming idol na si Gov. Vilma Santos-Recto nu’ng Lunes at Martes sa paanyaya ng aming good friend na si Joel Umali-Peña, Big Ben Complex owner at Lipa Tourism Council president, para makisaya sa Feast of San Sebastian na ginaganap taun-taon tuwing sumasapit ang ika-20 ng Enero.
Akala namin ay makaka-attend ng misa si Gov. Vi sa San Sebastian Cathedral nu’ng Lunes nang hapon, pero nagkaroon daw siya ng urgent schedule kaya ang executive secretary na lang niya na si Mr. Christopher Boyet Katigbak ang kanyang pinapunta on her behalf as one of the mass sponsors.
Pero kahit ‘di kami nagkita ni Ate Vi, tinext naman kami nito para sabihing magkita na lang kami ‘pag nagkaroon ng mga activities sa Kapitolyo.
Hindi na rin nakadalo si Gov. Vi sa crowning ng bagong Mutya ng Lipa 2026 na si Atty. Bea Charisse Maravilla pagkatapos ng misa at sa taunang Rigodon de Honor kung saan we heard na siya sana ang gustong maging guest of honor at speaker. Pero dahil nga sa sobrang dami ng trabaho ng gobernadora, naiintindihan naman ‘yun ng kanyang mga kababayan sa Lipa.
Bukod sa ama ng Lipa na si Mayor Eric Africa, dumating si Vice-Mayor Mikee Morada, ang mister ni Alex Gonzaga, na siyang pinagkaguluhan ng mga lumahok at dumalo sa Rigodon de Honor.
Ang lakas pala ng appeal ni VM Mikee sa mga Lipeños dahil kahit hindi niya kasama si Alex, ang daming nagpapa-picture sa kanya.
Anyway, kinabukasan (Martes), sinimulan ang pagdiriwang ng Fiesta ng Lipa sa pamamagitan ng float parade na nilahukan ng iba’t ibang business establishments.
Pagkatapos nito, kani-kanya nang handaan sa bawat bahay at isa nga ang bahay nina Joel Peña, ang Solano Hotel na pag-aari ng mag-asawang Charles at Lorena Solano at ang bahay ng parents ni Marie Lozano, dating TV Patrol reporter, sa mga dinayo ng mga taga-Lipa para makipamiyesta.
Special guests ni Joel sina Arlene Muhlach at Yayo Aguila, gayundin si Teacher Racquel ng PBB, at nakakatuwa ang mga Lipeños, mahilig din pala silang magpapiktyur sa mga artista, kaya maya’t maya, panay ang pa-selfie kina Arlene at Yayo.
Natanong namin si Ms. Arlene habang magkakasama kami sa table at kumakain ng lunch kung ano ba talaga ang totoong dahilan at nawala ang pamangkin niyang si Atasha Muhlach sa Eat… Bulaga!.
Sagot nito sa amin, “Nabuntis nga raw ni Joey de Leon,” sabay bawi na nakakaloka ang mga nagkakalat ng balitang ito na wala namang basehan at fake news talaga dahil ang totoo ay may ginagawa raw series sa Viva ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, ang Bad Genius.
Sa ngayon ay nakabalik na rin naman daw si Atasha sa EB! kaya vindicated ang dalaga sa paninira sa kanya.
Anyway, sa Solano Hotel naman ay naging guest nina Sir Charles at Ms. Lorena sina Ronnie Liang (brand ambassador nila), Randy Santiago, ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, Christian Bables at marami pang iba.
Nilibot kami ng mag-asawa sa kanilang Solano Hotel kung saan du’n din pala nag-stay sina Janice de Belen, Zanjoe Marudo at Janine Gutierrez nu’ng nagsu-shoot sila ng Dirty Linen. In fairness, ang sosyal ng Solano Hotel at ang ganda-ganda kaya pang-artista level din, ha?
Sobrang na-enjoy namin ang two-day stay namin sa Lipa sa warm welcome at pag-aasikaso ng aming good friend na si Joel Peña kasama sina Willy Ong, Mareng Carina Martinez, ang aming co-editor na si Mareng Maricris Nicasio ng Hataw at ang PCU Professor na si Madam Joel Balason.
Sa sarap ng mga pagkain sa Lipa at sa lamig ng weather doon, gugustuhin mo talagang bumalik at tumira na ru’n lalo’t ilang oras na lang ang biyahe mula sa Maynila.




















Comments