Inglesan daw nang inglesan… ANNE, NAPIKON SA BASHER, BINARA NA ‘WAG MANOOD NG MOVIE NIYA
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 22, 2026

Photo: FB Anne Curtis
Ipinagtanggol ni Vice Ganda ang kapwa niya host sa It’s Showtime (IS) na si Anne Curtis laban sa isang netizen na nang-bash sa bagong pelikula ng Kapamilya actress.
Ini-repost ni Vice sa X (dating Twitter) ang comment ni Anne sa basher ng movie niya with Jericho Rosales.
Tinarayan ni Anne ang basher na nag-post ng comment na nakakairita raw ang movie nila ni Echo dahil English ang dialogue sa mga eksena.
Sagot ni Anne, “‘Di, ‘wag ka manood.”
Ipinost ito ni Vice sa kanyang account sa X na may caption na: “Ay, may umorder ng pika with free delivery. Wah! Loveetttee.”
Naaliw din ang mga netizens sa reaksiyon ni Anne sa kanyang basher. Anila… “‘Yung mga tao kasi, bash nang bash, akala mo naman talaga sila nagpapakain sa mga artista,”at “Barda era ng Dyosa.”
“Tama!” comment naman ng direktor na si Mae Cruz Alviar.
Bigla ring nawala ang post ng netizen na namintas sa movie ni Anne with Echo.
Sey nila, “Wala na ‘yung nag-comment, naglaho na. Context? ‘Kakairita,’ sabi nu’ng nag-comment tungkol sa trailer nu’ng movie ni Anne, dagdag pa, ‘English-English mga dialogue.’”
“Nag-deactivate na raw.”
“‘Wag n’yo na hanapin, nag-apir-disapir na, nasunog, eh.”
Natuwa naman ang mga followers ni Vice Ganda sa pag-repost niya ng reaksiyon ni Anne Curtis laban sa basher nito.
Sey ng isa, “Sister talaga kayo.”
OPISYAL nang binuksan ng It’s Showtime (IS) ang ika-sampung season ng longest-running singing competition ng bansa na Tawag ng Tanghalan (TNT), tampok ang The Voice USA (TVUSA) Season 26 champion na si Sofronio Vasquez bilang pinakabagong hurado ng prestihiyosong kompetisyon.
Makakasama ni Sofronio ang Punong Hurado na si Louie Ocampo at TNT Season 4 Grand Champion JM Yosures, na magdadala ng karanasang nakuha niya sa ibang bansa at bagong pananaw sa pinakamatagal na tumatakbong noontime singing contest sa bansa.
Sa bagong season, mga bagong mukha ang masisilayan ng manonood na magmumula sa 18 rehiyon ng bansa. Linggu-linggo, maglalaban ang mga contenders ng bawat rehiyon.
Ang masuwerteng magwawagi ay uusad sa regional finals hanggang sa mabuo ang 18 kinatawan ng bawat rehiyon na maglalaban para sa titulo bilang Season 10 grand champion.
Sa unang araw ng kompetisyon, nanaig ang 19-anyos na si Sidro Quilicol laban kay Vergel De Guzman matapos makuha ang pinakamataas na iskor na 91.3%.
Huwag palampasin ang pinakabagong edisyon ng TNT sa IS, napapanood Lunes hanggang Sabado, alas-12 ng tanghali sa GMA, Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube at Facebook (FB) pages, iWant, at TFC IPTV.
Mapapanood din ang hit online show na Showtime Online U (SOU) sa It’s Showtime YouTube (YT) channel.








Comments