top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sinamahan ng amang si Niño…SANDRO, KINASUHAN NA SA NBI ANG 2 GAY GMA-7 EXECS NA NANG-RAPE SA KANYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2024
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | August 4, 2024


Showbiz News
Photo: Sandro Muhlach / IG

Kinamusta si Sandro Muhlach ng GMA Integrated News matapos pumutok ang isyu ng diumano'y pangre-rape rito ng dalawang gay executives ng GMA Network at ang sagot nito, “Hindi po ako okey, pero kakayanin ko po.” 


Dahil sa text lang kinumusta si Sandro at sa text lang siya sumagot, hindi natin alam kung ano ang nararamdaman niya nang sagutin ang pangungumusta sa kanya, kung malungkot ba siya, nakangiti o natuwa na may nangumusta sa kanya. 


Muli, bumuhos ang pakikisimpatiya ng mga netizens kay Sandro.


Marami ang nagpe-pray na maging okey siya at hindi naman titigil ang ama niyang si Niño Muhlach at ang pamilya niya to get justice. Nag-file na nga si Sandro ng criminal case sa NBI at sinamahan siya ni Niño.


Pagkatapos mag-file ng criminal case sa NBI, nag-post si Niño sa Facebook (FB) at humihingi ng dasal. Ang daming nagpahayag ng suporta sa kanya at kay Sandro.


“Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son. We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re-living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system. Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space. We truly appreciate it,” pahayag ni Niño Muhlach.



Inlabey na uli ang mister mo, Sarah… RICHARD, TUTOK NA TUTOK KAY BARBIE SA B-DAY 


Showbiz News
Photo: Circulations / FB

Sabi ng mga nakakita sa photos ni Barbie Imperial na pumunta sa wake ni Alexa Gutierrez na sister-in-law ni Richard Gutierrez, kumpirmasyon daw ‘yun na couple na ang dalawa. 


Bale ba, sa picture, nakaalalay si Richard kay Barbie na pinagkaguluhan.


Nakita rin si Richard sa birthday party ni Barbie at naaliw nga ang mga netizens dahil kahit malayo at medyo blurred ang photo, nakita nilang tutok ang tingin ni Richard kay Barbie. 


Siyempre pa, kinilig ang mga nakakakita na magkasama ang dalawa.


Magiging madalas pa ang sightings kina Richard at Barbie dahil magkasama sila sa epic series ng ABS-CBN na produced ng ABS-CBN Studios at Star Creatives. Wala pang title ang epic series na siguradong si Barbie ang makakapareha ni Richard.


Kasama rin sa cast sina Daniel Padilla, Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal, Anthony Jennings, at Ian Veneracion. 


Excited ang mga fans na magkakasama sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial, ready na raw silang kiligin.



Nagbakasyon sa Japan kasama ang 2 anak at ipinalit kay Aljur… KYLIE, IDINIDISPLEY NA IN PUBLIC ANG BAGONG DYOWA PERO AYAW ILANTAD SA SOCMED 


Showbiz News
Photo: Kylie Padilla / IG

Mukhang hindi pa nga ready si Kylie Padilla na i-face reveal ang guy na nagpapasaya sa puso niya ngayon. Magkasama silang nagbakasyon sa Hakone, Japan kamakailan at kasama rin ang mga anak ni Kylie na sina Alas at Axl, pero likuran lang ng guy ang makikita sa photos at videos.


Waiting pa naman ang mga fans ni Kylie na makita na ang mukha ng kanyang mahal. In fairness, may nakakakita na sa kanilang magkasama. Pero, sa social media, wala pang post ang aktres na magkasama sila ng guy na nagmamay-ari ng puso niya.


And speaking of Kylie, active na naman ang showbiz career niya dahil kasama siya sa cast ng Asawa Ng Asawa Ko, pati sa gagawing Sang’gre at sa MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones, kung saan bibida rin sa movie sina Ruru Madrid at Dennis Trillo sa direction ni Zig Dulay.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page