top of page
Search
  • BULGAR

Sinalo ang mga endorsements ni Kris… REGINE, MATAAS PA RIN ANG TF KAHIT LAOS NA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 8, 2024




At this point of her life, na-realize ng Asia's Songbird na hindi na gaanong mainit ang kanyang singing career. Mahigit dalawang dekada rin naman na nagningning ang kanyang career bilang singer-recording artist. 


Malaki na ang kanyang kinita at financially stable na rin, although alam ni Regine na may mga bagong singers ngayon na iniidolo ng GenZ generation. 


Nagkaedad na rin ang kanyang mga loyal fans and supporters dahil iba na rin ang taste sa musika ng mga kabataan ngayon.


May mga shows pa rin naman si Regine at minsan ay nagge-guest sa concert ng ibang singers. Hindi pa naman nawawala si Regine sa mainstream, at mataas pa rin ang kanyang talent fee. 


Ang naging fallback niya ay ang pagiging product endorser. ‘Yung mga produkto na si Kris Aquino ang dating endorser ay napunta na kay Regine. 


Ang malaking konsuwelo para kay Regine Velasquez ay may maiiwang legacy sa publiko ang kanyang mga pinasikat na awitin. May sarili siyang tatak bilang Asia's Songbird.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page