Sinakal, hinataw ng bakal sa ulo... 79-anyos na nanay, todas sa anak

by Mai Ancheta @News | September 9, 2026

Photo: File
Patay ang isang 79-anyos na ina matapos sakalin at hatawin sa ulo ng sariling anak sa Brgy. Guindapunan, Catbalogan City, Samar.
Ayon kay PLt. Col. Norman Ala, nagtalo umano ang mag-ina matapos hindi bigyan ng pera ang suspek na si alyas Anik, 45.
Sinakal umano ng suspek ang kanyang ina saka hinataw ng bakal sa ulo.
Mabilis namang isinugod ng mga kamag-anak ang biktima sa ospital, subalit hindi na ito umabot nang buhay.
Naaresto naman ang suspek at inihahanda na ang kaso kaugnay sa pagpatay sa kanyang sariling ina.





Comments