top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sinagip lang ng aso… ROBIN, NAGTANGKANG MAG-SUICIDE NANG IWAN NG MISIS

BULGAR
Apr 12, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 12, 2022




Maganda at malaman ang ginawang one-on-one interview ni Toni Gonzaga kay Robin Padilla para sa kanyang YouTube Channel. Maraming rebelasyon si Binoe sa mga kaganapan sa kanyang personal na buhay, tulad ng kanyang pagkakakulong noong 1994 dahil nahulihan siya ng mga baril.


Tatlong taon siyang nakulong sa Muntinlupa noon at marami siyang aral na natutunan sa buhay bilang ex-convict. Nakita rin ni Binoe ang tunay na kalagayan ng mga ex-convict sa Munti. Maraming nabago sa buhay ni Robin nang yakapin niya ang relihiyong Islam.


Dahil sikat na aktor, marami siyang nakarelasyong artista. Pero, ang kanyang kabiguan sa babaeng kanyang pinakasalan ang dinamdam niya nang husto.


Na-depressed daw siya nang husto nang maghiwalay sila ni Liezl Sicangco, ang nanay ng mga anak niyang sina Queenie, Kylie, Ali at Zhen-Zhen. Sa sobra niyang lungkot ay naisip na raw niyang magpakamatay.


Hindi niya itinuloy ang kanyang suicide attempt pero ang kanyang alagang aso ang nagbigti at namatay. Sinasabing ang aso ni Robin ang sumagip at sumalba sa kanyang buhay.


Maraming chapter sa buhay ni Binoe na makulay at mala-pelikula. Ito ngang pagtakbo niya bilang senador ay hindi naman niya pinlano noong una pero nasa angkan ng mga Padilla ang pagiging pulitiko at public servant.


Marahil, ito ang bagong landas na tatahakin ni Robin Padilla dahil itinadhana para sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page