Sina Jose at Wally daw ang na-miss, Maine… ALDEN, BALIK-EAT BULAGA!
- BULGAR
- Mar 13, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 13, 2023

Naging emosyonal si Alden Richards sa pagbabalik niya sa Eat… Bulaga! last Saturday dahil na-miss ang Dabarkads, lalo na ang mga kuya niyang sina Jose Manalo at Wally Bayola.
Sa kanyang pagbabalik, naghandog ng sayaw si Alden na ikinatuwa ng kanyang mga fans.
Na-miss din si Alden ng Dabarkads at may mga nakita kaming photos na kasama niya ang bumubuo ng noontime show at may larawan pang kasama niya ang staff and crew at magaganda ang kanilang mga ngiti.

“Siyempre, masaya, ang tagal ko rin itong hindi nagawa. Naiyak pa ako, eh. Kanina naiyak talaga ako nu'ng pagpasok ko sa dressing room, tapos niyakap ko sila. I’m back Dabarkads,” sabi pa ng dating ka-love team ni Maine Mendoza sa EB!.
Hindi lang nabanggit kung daily na uli mapapanood sa EB! si Alden o tuwing Sabado lang o special occasion ng noontime show.
Magiging masaya ang mga fans kung araw-araw na uling mapapanood si Alden.




Comments