top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sina Health Sec. Francisco Duque III at Vaccine Czar...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2020
  • 2 min read

Ret. Gen. Carlito Galvez ang dapat maunang turukan ng bibilhin nilang bakuna para malaman kung palpak!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 7, 2020



DAPAT LANG MAUNA SINA SEC. DUQUE AT VACCINE CZAR NA MAGPABAKUNA—Hinamon ni Sen. Bong Go sina Health Sec. Francisco Duque III at Vaccine Czar, ret. Gen. Carlito Galvez, na kapag nakabili na sila ng COVID-19 vaccine ay silang dalawa ang unang dapat magpabakuna.


Aba’y dapat lang para kung sakaling palpak ang binili nilang bakuna ay silang dalawa ang unang makararanas ng masamang epekto nito, period!


◘◘◘


BAKA DUMAMI NA NAMAN ANG TAMAAN NG VIRUS SA METRO MANILA DAHIL SA ‘PERYAHAN NG BAYAN’—Dati ay sa teritoryo lang nina Cavite Gov. Jonvic Remulla at Rizal Gov. Rebecca Yares nag-o-operate ang estilong jueteng na “Peryahan ng Bayan” ni “Manalac”, pero ngayon daw ay may ganitong sugal na rin ang kinahuhumalingan ng mga mananaya sa lugar nina Taguig City Mayor Lino Cayetano, Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnide, Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano at Makati City Mayor Abby Binay.


Hay naku, imbes na kaunti lang ang tinatamaan ng virus sa Metro Manila, baka dumami na naman dahil sa pagpapahintulot ng mga alkaldeng ito na makapag-operate ang “Peryahan ng Bayan” sa kanilang mga hurisdiksiyon, mga buwisit!


◘◘◘


TABLADO ANG PAGPUNTA NG MGA BATA SA MALL, PERO APRUB ANG KASIYAHAN NG MGA GAMBLING LORDS?—Hinirit ni DTI Sec. Ramon Lopez sa IATF (Inter-Agency Task Force) na payagan na ang mga batang edad 7 pataas na maisama ng kanilang pamilya at guardians sa mga malls para makapamasyal at makatulong sa paglago ng ekonomiya, pero tinutulan ito ng mga alkalde sa Metro Manila dahil baka maging sanhi raw ito para dumami ulit ang kaso ng COVID-19 sa Kalakhang Maynila.


Kita n’yo ang ugali ng mga alkalde sa Metro Manila, na ‘yung kasiyahan ng mga bata na makapamasyal sa mga mall ay tinabla, pero ang mga gambling lords pinasaya nang payagang makapag-operate ang “Peryahan ng Bayan”, pwe!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page